• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, binatikos ang plano ng Senado na ipatawag si Durante para magpaliwanag ukol sa pagtuturok ng bakuna laban sa Covid- 19 sa mga PSG personnel

BINATIKOS ng Malakanyang ang panukalang ipatawag si Presidential Security Group (PSG) commander Brigadier General Jesus Durante III sa SEnado para magpaliwanag ukol sa inoculation o pagbabakuna sa PSG troops gamit ang unregistered COVID-19 vaccine.

 

Umapela si Presidential spokesperson Harry Roque sa Senado na igalang ang hiwalay na kapangyarihan sa pagitan ng ehekutibo at leislaturang sangay ng pamahalaan.

 

“Hindi ko po maintindihan kung bakit panghihimasukan ng Senado, ang co-equal branch of government, ang seguridad ng ating Presidente, eh gayong hindi naman pinanghihimasukan ng Presidente ang seguridad ng Senado,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Co-equal branches po kasi iyan, respect po sana,” giit ni Sec. Roque.

 

Sa ulat, nais ni Senate President Vicente Sotto III na ipatawag sa ibang pagdinig ng Senado si Durante hindi sa nakatakdang coronavirus disease (COVID-19) rollout plan hearing sa Enero 11.

 

“Ang pinag-uusapan natin, paano ang gagawin sa procurement, ibang usapan ‘yan. Puwede sigurong tumawag ng ibang hearing tungkol diyan, hindi kasama sa Committee of the Whole,” punto ni Sotto.

 

Ito ay matapos irekomenda ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na ipatawag si Durante sa pagdinig sa COVID-19 vaccine rollout plan ng gobyerno sa Enero 11.

 

“Kung gusto nila i-take up, puwede rin. Sa akin kasi medyo mas malawak na usapin ‘yan. Ibang usapin ‘yan, hindi ‘yan sakop sa gustong talakayin, kung paano gagawin,” giit ng senador.

 

Una nang sinabi ni Durante na aakuin nito ang responsibilidad sa pagtanggap ng hindi otorisadong COVID-19 vaccine.

 

Nananatiling tikom ang bibig ng PSG chief kung ano at saan nagmula ang bakuna.

 

Samantala, hindi pa nagpapadala ng imbitasyon ang Senado kay Durante para sa pagdinig sa Enero 11.

 

Ayon naman pa kay Sotto binigyan siya ni Senator Francis Pangilinan ng listahan ngunit masyadong marami ang inimbitahan sa pagdinig.

 

“‘Yung sinubmit ni Senator Pangilinan na listahan pinasabi ko sa staff niya bawasan muna. Tsinek ko priorities pero huwag naman higit dalawang dosena kasi hindi makakapagsalita lahat ‘yun, lalo na kung bibigyan ko ng tig-10 minutes ang mga senador,” ani Sotto.

 

“‘Yun munang essentials then we can set another hearing. Matagal pa naman ‘yan dahil na-delay nga ang pagkakabili natin. Pagdating dito sa atin iche-check pa ng FDA ‘yan. We have plenty of time to go about it,” punto ng senador.  (Daris Jose)

Other News
  • Sa naging performance sa ‘Rock in Rio Music Festival’: ARNEL, ipinagtanggol ng mga miyembro ng bandang ‘Journey’

    KAYA pala biglang hindi na naging aktibo sa showbiz ang dating Kapuso teen actor na si Ralph Noriega ay dahil nagtayo ito ng sarili niyang negosyo kasama ang kanyang girlfriend.     “Mas pinagkakaabalahan ko po ‘yung business namin ng girlfriend ko which is ‘yung Within The Box Woodworks & Design Co. We specialize in […]

  • DINGDONG at BIANCA, muling mapapanood sa Holy Week special ng ‘Magpakailanman’

    MULING mapapanood ang natatanging pagganap nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at versatile actress Bianca Umali sa Holy Week special ng Magpakailanman (#MPK) ngayong Maundy Thursday (April 1) at Good Friday (April 2).       Balikan ang napapanahong kuwento ni Boy Bonus (Dingdong), isang reformed criminal sa episode na pinamagatang “Ang Kriminal na Binuhay […]

  • Pagbubukas ng klase tuloy kahit may monkeypox – DOH

    WALA umanong dahilan para maantala ang pagbubukas ng klase sa Agosto 22 sa kabila ng pagkakadiskubre ng ­unang kaso ng monkeypox sa bansa dahil sa mga itinakdang “safeguards” ng pamahalaan, ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.     Sinabi ni Vergeire na katuwang ang Department of Education (DepEd) ay palalakasin nila […]