• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, clueless kung kailan maaaring maibalik ang face to face classes

CLUELESS ang Malakanyang kung kailan puwedeng ibalik ang face to face classses sa bansa.

 

Ito’y dahil sa hindi kasi kasama sa mga babakunahan ang mga menor de edad, 18 pababa.

 

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kung mawawala naman ang transmission o hawahan sa adult population dahil mababakunahan na sila, mababawasan din ang risk o panganib para makuha ng mga kabataan ang virus.

 

Magkagayon man, nilinaw ni Roque na wala siya sa posisyon para magbigay ng tiyak na sagot sa usaping ito  dahil naka depende ang sitwasyon sa mga darating na mga datos.

 

Aniya, magsisimula pa lamang kasi ang vaccination program at pag-aaralan pa ang magiging epekto ng bakuna sa mga target population.

 

Magugunitang, nagdesisyon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong nakalipas na taon na kanselahin ang inilatag na pilot testing sa face to face classes sa ilang piling lugar sa bansa na isasagawa sana ngayong enero dahil na rin sa lumutang na bagong UK  variant ng Covid-19, para matiyak na mapo- protektahan ang mga kabataan laban sa virus.

Other News
  • Commissioner Garcia ‘nagmamaka-awa’ sa NBI na ilabas na finding sa ‘data breach’ sa Smartmatic

    NANAWAGAN sa National Bureau of Investigation (NBI) si Comelec Commissioner George Garcia na ilabas na ang resulta ng kanilang imbestigasyon hinggil sa umano’y security breach sa automated election system ng Smartmatic.     Ayon kay Garcia, hanggang sa ngayon ay hindi pa natatanggap ng Comelec ang report sa imbestigasyon ng NBI kaya hindi rin nila […]

  • Ponggay aayudahan ang mga mag-aaral

    WALA pang katiyakan sa petsa sa pagbubukas ng 4th Premier Volleyball League (PVL) 2020.   Pero sinisinop ang oras ng mga team ng semi-pro women’s volleyfest,  maging ang karamihan sa kanilang mga player.   Kagaya ni Pauline Marie Monique ‘Ponggay’ Gaston ng Choco Mucho Flying Titans, na naglalaro rin sa Ateneo Lady Eagles sa University […]

  • COVID-19 reproduction number sa NCR bumaba sa 0.99 – OCTA

    Patuloy na nakakakita ang OCTA Research group ng improvement sa reproduction number ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).     Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, bumaba sa 0.99 ang reproduction number ng COVID-19 sa NCR mula sa nauna nilang report na aabot pa sa 1.03.     Umaasa si David na […]