• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, hindi sigurado kung ilalabas ni PDU30 ang drug list bago ang 2022 polls

HINDI sigurado ang Malakanyang kung ilalabas ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang listahan ng narco-politicians bago pa ang May 9, 2022 national at local elections.

 

 

“On whether the Chief Executive would release a list of candidates involved in illegal drug trade, we cannot second guess the President in this regard,” ayon kay acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar sa isang kalatas.

 

 

Matatandaang, may inilabas din na drug list ang Pangulo noong 2019 midterm elections.

 

 

Ang pahayag na ito ni Andanar ay tugon sa tanong ng mga mamamahayag kung may posibilidad na isapubliko ng Pangulo ang tinatawag nitong “narco list” na naglalaman ng mga pangalan ng mga politiko na dawit sa ilegal na droga.

 

 

Bago pa isagawa ang May 2019 midterm elections, isa-isang pinangalanan ni Pangulong Duterte ang ilang politiko na di umano’y sangkot sa illegal drug trade, layon nito na tulungan ang publiko na pumili ng tamang kandidato.

 

 

Ginawa ng Punong Ehekutibo ang hakbang na ito upang matiyak na makapipili ang mga botanteng filipino ng “competent, able, [and] honest” na kandidato noong 2019 polls.

 

 

Bagama’t hindi naman sinabi ni Andanar na gagawin ngayong taon ito ng Pangulo, sinabi ni Andanar na nagpahayag ng pagsuporta si Pangulong Duterte sa mga kandidato na suportado ang kanyang mga programa at polisiya.

 

 

“President Rodrigo Roa Duterte would surely give support to candidates he believes will continue his platform and the reforms he initiated,” ani Andanar.

 

 

Magugunitang, noong Marso 31 ay sinabi ni Pangulong Duterte na umaasa siya na ang kanyang successor ay masigasig din na haharapin ang problema ng ilegal na droga sa bansa.

 

 

Nais din ng Pangulo na talakayin ang kanyang anti-narcotics drive sa susunod na Pangulo ng bansa.

 

 

Tumanggi naman ang Pangulo na mag-endorso ng kahit na sinumang presidential candidate sa nalalapit na halalan upang maiwasan ang pagdududa na gagamitin niya ang public funds para pondohan ang campaign activities ng kanyang successor. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Valenzuela, magbibigay ng P600K pabuya para sa pagkaka-aresto sa pumatay sa kagawad

    MAGBIBIGAY ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian ng PhP 600,000 na pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng mga suspek sa pamamaril na ikinamatay ng isang barangay kagawad noong Hunyo 29, 2022 sa lungsod.       Kinilala ng Valenzuela City Police Station (VCPS) ang dalawang salarin na […]

  • Pagpalo sa 200% growth rate ng COVID-19 cases, pinagbatayan ng quarantine classification

    ANG pagpalo sa 200% growth rate ng COVID-19 cases sa Metro Manila, ay kabilang sa dahilan kung bakit may ilang lugar ang isinailalim sa quarantine classification.   Sinabi ni presidential spokes- person Harry Roque na ang growth rate at average daily attack rate ay ang mga factors na kinunsidera ng pamahalaan para sa quarantine classifications. […]

  • Ads August 1, 2022