Malakanyang, inaasahan ng ookrayin ng oposisyon ang SONA ni Pangulong Duterte
- Published on July 28, 2021
- by @peoplesbalita
INAASAHAN na ng Malakanyang na ookrayin ng oposisyon ang pang-anim at panghuling State Of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Sa ulat, tinawag kasi ng oposisyon na “Joke of the Nation Address” ang naging Ulat sa Bayan ng Pangulo kahapon sa Batasang Pambansa.
Para sa oposisyon, nabigo si Pangulong Duterte na talakayin ang problema sa kahirapan at unemployment sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Mas binigyan pa anila ng Pangulo ng priority at importansiya ang ilegal na droga habang trabaho, hanapbuhay, dagdag na kita at solusyon sa gutom ang gustong marinig ng mamamayan na wala pa atang 5 minuto pinagusapan.
“Well, unang -una, hindi po namin inaasahan na pupurihin ng oposisyon ang SONA. Kayo naman.. hindi naman bago sa inyo ang SONA. Wala naman talagang pumupuri sa SONA kapag ikaw ay nasa hanay ng oposisyon. Siyempre, eh wala kang gagawin kundi o-ookrayin ‘yung sinabi ng Presidente dahil oposisyon ka noh? Inaasahan na po natin yan,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
Subalit, ang katotohanan aniya ay unang-una, kakaiba ang pang-huling SONA ng Pangulo.
Bago pa aniya kasi mag-SONA ang Pangulo ay mayroon na aniyang pre-SONA kung saan ay kasama n ang pre-SONA na ginawa ng economic team kung ano talaga ang plano para ang lahat ay makabangon mula sa pandemya.
“kasama na po diyan yung ating paggamit ng tinatawag na fiscal stimulus, yung atin pang-taunang budget at saka ‘yong kaban ng bayan para po ma-stimulate ang ating ekonomiya. Iyong monetary stimulus at iyong paggamit po ng interest rates at saka ng money supply par ma-stimulate ang ating ekonomiya. Iyong pagpapabilis po ng bakuna dahil ang bakuna po talaga ang nagbibigay kumpiyans para mabuksan natin ang mas malaking bahagi ng ating ekonomiya, noh? At saka, siyempre iyong pag-iingat na hinihingin natin sa taumbayan dahil ang tanging pamamaraan talaga para tayo ay maakabangon ay kung mabubuksan natin ang ekonomiya bagama’t nandiyan po ang banta ng covid-19,” litaniya ni Sec. Roque.
Sa ulat, binatikos ni Gabriel Rep. Arlene Brosas si Pangulong Duterte dahil hindi nito nailatag ang detalye ng plano para pinal na tuldukan ang krisis sa covid-19 sa bansa.
“Itong final SONA ni Pangulong Duterte ay parang lasing na naman ang Presidente sa pagsasabi ng same threats pero walang exit plan sa pandemic,” anito.
Samantala, inamin naman ng Pangulo sa kanyang talumpati na hindi na niya alam ang kanyang gagawin sa COVID-19 crisis.
“I have to listen to the task force on COVID-19,” ayon sa Chief Executive. (Daris Jose)
-
Tulong sa mga nasalanta ng baha sa Ifugao, panawagan ng simbahan
NANAWAGAN ng tulong ang Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe para sa mga pamilya at magsasakang naapektuhan ng baha at pagguho ng lupa sa Banaue. Ayon kay Fr. Apolonio Dulawan, MJ- Social Action Center Director ng Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan na sa maliliit na pamayanan para sa mga pangangailan ng mga […]
-
LTFRB aaralin ‘surge fee’ sa pamasahe ng jeep, bus tuwing rush hour
PAG-AARALAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng ilang transport groups na magpatupad ng “surge pricing” sa pamasahe ng mga jeep at bus tuwing rush hour at peak hours bilang tugon sa pagtaas ng presyo ng langis. Ito ang sinabi ng board, matapos magpetisyon ang ilang grupo ng dagdag […]
-
PDu30, binisita ang mga biktima ng bagyong Odette sa Dinagat islands
PERSONAL na binisita ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kasama si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go at iba pang opisyal ng pamahalaan ang mga biktima ng bagyong Odette sa Dinagat Islands. Nakipagkita ang Pangulo sa mga evacuees o bakwit at lokal na opisyal ng nasabing lugar kung saan ay nangako siyang magbibigay ng tulong upang […]