• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, ipinag-utos ang suspensyon ng pagtataas sa insurance premiums ng PhilHealth, pagtataas sa sahod

IPINAG-UTOS ni Pangulong  Ferdinand Marcos, Jr. ang suspensyon ng bagong premium contribution rates ng  Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at ang  income ceiling para ngayong taon ng  2023.

 

 

Ang katuwiran ni Executive Secretary Lucas Bersamin, patuloy pa rin kasing nakikipagpambuno ang mga Filipino sa mga economic challenges sanhi ng  COVID-19 pandemic.

 

 

Base sa dokumentong ipinalabas sa mga mamamahayag, sinabi ni  Bersamin na gusto ni Pangulong Marcos na suspendihin ang nakatakdang pagtataas sa  premium rate  ng PhilHealth mula  4% ay magiging  4.5% na.

 

 

Sa joint statement, kapuwa welcome naman sa  Department of Health (DOH) at PhilHealth ang desisyon ni Pangulong Marcos.

 

 

“The DOH and PhilHealth recognize the suspension is intended to help our kababayans cope with the increasing prices of commodities caused by inflation,” ayon sa DoH at PhilHealth.

 

 

Ang paliwanag ng  DoH, ang  premium contributions ay kinokolekta ng  PhilHealth para tustusan ang ekspansyon o  pagpapalawak sa benepisyo alinsunod sa  Universal Health Care law.

 

 

Idinagdag pa nito na ang pagbabago sa  premium schedules ay  “synched with planned benefit roll-outs.”

 

 

Hangad din aniya ng Chief Executive Marcos na i- block ang pagtataas sa salary ceiling mula  ₱80,000 na magiging ₱90,000.

 

 

“In light of the prevailing socioeconomic challenges brought about by the COVID-19 pandemic, and to provide financial relief to our countrymen amidst these difficult times, please be informed that the President has directed the PhilHealth to suspend the abovementioned increase in premium rate and income ceiling…,” ang nakasaad sa dokumento.

 

 

Ang kautusan ay tinintahan ni  Bersamin at naka- addressed kina Department of Health Officer In Charge Maria Rosario Vergeire at PhilHealth Acting President and CEO Emmanuel Ledesma, Jr. (Daris Jose)

Other News
  • “Demonyo”, 1 pa huli sa Caloocan drug bust, P110K droga, nasabat

    SA kulungan ang bagsak ng dalawang drug suspects matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng droga nang kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Biyernes ng madaling araw.     Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas “Demonyo” at alyas “Jeng-Jeng”, kapwa […]

  • Ex-PDEA agent Morales pipigain sa Senado

    BALAK pigain ng Senado si dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent Jonathan Morales sa susunod na pagdinig upang malaman kung sino ang nasa likod ng kanyang re­belasyon tungkol sa “PDEA leaks” na nagsasangkot kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at iba pang celebrity sa paggamit ng ilegal na droga.     “Itanong natin ‘yan sa […]

  • De Guzman naaatat nang umarangkada

    MALAKING perwisyo para sa mga atleta ang mag-iisang taon na sa Marso na Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic sa mundo at sa bansa dahil sa kanseladong mga sporting event.     Ilan na rito ang triathlon, swimming, cycling, running at iba.     Kaya naman katulad ng kapwa niya mga manlalaro, miss na ring tumakbo […]