Malakanyang kay FPRRD: Don’t be selfish, follow constitution
- Published on November 28, 2024
- by @peoplesbalita
TINAWAG ng Malakanyang na ‘selfish’ o sakim si dating Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Roa Duterte nang ipanawagan nito na patalsikin sa puwesto si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
“No motive is more selfish than calling for a sitting president to be overthrown so that your daughter (Vice President Sara Duterte) can take over,” ang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa isang kalatas.
“And he (Duterte) will go to great and evil lengths, such as insulting our professional Armed Forces by asking them to betray their oath, for his plan to succeed,” aniya pa rin
Nagpahayag ng pagkagulat si Bersamin sa naging panawagan ni Digong Duterte sa military na maglunsad ng kudeta laban sa administrasyong Marcos.
Nanawagan si Bersamin sa ex-Philippine leader na sundin ang Saligang Batas.
Sinabi ni Bersamin na ipagpapatuloy ng administrasyon na gampanan ang tungkulin nito para ‘to govern and manage’ ang affairs ng bansa alinsunod sa Saligang Batas at rule of law.
Nauna rito, nanawagan si Digong Duterte sa Armed Forces na ikonsidera ang kanilang suporta para sa kasalukuyang administrasyon. (Daris Jose)
-
KASO NG COVID TATAAS PA HANGGANG DECEMBER
MAY posibilidad na patuloy na tataas ang kaso ng Covid-19 sa Pilipinas hanggang Disyembre ayon sa Department of Health (DOH) Sa press briefing nitong Martes, sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na maari pang magtuloy-tuloy ang pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa bansa kahit hanggang nitong October, November, at December. […]
-
Magaling, generous at down-to-earth: JENNYLYN, hinangaan nang husto ni SAMANTHA
VIRAL sina Jak Roberto at Celeste Cortesi! As in trending at kinaaaliwan ng napakarami ang Tiktok video ng Miss Universe Philippines 2022 at ‘The Missing Husband’ actor. Imagine, mahigit 3.9 million na ang views ng video nina Celeste at Jak?! Naka-post ang naturang dance video ng dalawa sa Tiktok […]
-
State-owned banks at panukalang 2021 national budget ang paghuhugutan ng pondo para pambili ng bakuna laban sa Covid -19
SINABI ng Malakanyang na ang mga state-owned banks at ang panukalang 2021 national budget ang magpo-pondo sa pagbili ng Covid-19 vaccines. Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque na ang Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines ang magbibigay ng pondo para sa pagbili ng bakuna laban sa Covid-19 kung saan […]