State-owned banks at panukalang 2021 national budget ang paghuhugutan ng pondo para pambili ng bakuna laban sa Covid -19
- Published on October 17, 2020
- by @peoplesbalita
SINABI ng Malakanyang na ang mga state-owned banks at ang panukalang 2021 national budget ang magpo-pondo sa pagbili ng Covid-19 vaccines.
Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque na ang Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines ang magbibigay ng pondo para sa pagbili ng bakuna laban sa Covid-19 kung saan ay isasakatuparan sa pamamagitan ng state-run Philippine International Trading Corporation.
Ang panukalang 2021 national budget ang magkakaloob ng initial allocation na P2.5 billion para sa pagbili ng Covid-19 vaccines.
Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay matapos na ideklara ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang public address, Miyerkules ng gabi na mayroon ng pera ang pamahalaan para bumili ng bakuna kung saan ay posibleng sa Russia o China.
Gayunman, sinabi ng Pangulo na nais niya na magkaroon pa ng mas maraming pera upang matiyak na ang lahat ng mga filipino ay makatatanggap ng bakuna.
Sa kabilang dako, sinabi naman ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na P20 billion ang kakailanganin para mabakunahan ang 20 milyong katao.
Prayoridad na mabigyan ng bakuna ay ang mga mahihirap na Filipino at frontliners gaya ng pulis at sundalo.
“Hindi po mahuhuli ang mga mayayaman. They can always buy it dahil mayroon naman po silang pera,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)
-
Pamahalaan umaasang ang China ang magpopondo sa P300 B railway projects
UMAASA pa rin ang pamahalaan na ang China ang siyang magpopondo sa P300 billion na railway projects kung saan sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na hindi na sa pribadong sektor ibibigay ang tatlong (3) railway projects. Sinabi ni DOTr undersecretary Timothy John Batan na ang pamahalaan sa pangunguna ng Department of […]
-
P200-M hiling ng ECOP sa gov’t bilang ayuda sa nagsarang SMEs para makabayad sa 13th-mo. pay
Nagpapasaklolo ang grupo ng mga employers sa gobyerno na tulungan ang mga maliliit na negosyo na posibleng hindi makapagbigay ng 13th month pay sa pagsapit ng buwan ng Disyembre. Inamin ni Sergio Ortiz-Luis Jr., presidente ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP), inihahanda na nila ang sulat at idadaan sa DTI na sana […]
-
Simpleng tax rules para sa work-from-home business process outsourcing
IDINIIN ni House ways and means panel chair Rep. Joey Salceda ang kahalagahan ng “mas simple at mas malinaw na mga patakaran sa buwis” sa gitna ng napipintong paglilipat ng mga BPO sa Board of Investments (BOI). Aniya, dapat gawing “mas simple” ng gobyerno ang mga patakaran sa buwis para sa mga kumpanya […]