Malakanyang, kumpiyansang makakabawi ang ekonomiya
- Published on June 11, 2021
- by @peoplesbalita
KUMPIYANSA ang Malakanyang na makakabawi ang ekonomiya ng bansa sa taong ito.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, tatlong bagay ang kanilang pinanghahawakan para sa pagbawi kahit paano.
Ito aniya ay ang pagkontrol sa virus para makapagbukas na ang mga negosyo, paggamit ng fiscal at monetary policies na umaabot hanggang 2.7 trillion at ang pagpapabilis ng pagbabakuna.
“At dahil nga po dito sa three-pronged strategy na ito ay tingin ko makakabawi tayo bagamat kagaya po ng sinabi ng World Bank, hindi siguro kasing bilis ng inaasahan natin noong ating plano dahil noong nagplano po tayo, hindi natin akalaing mag-e-ECQ tayo at MECQ tayo sa ganitong kahabang panahon,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, hindi na naman kinontra pa ng Malakanyang ang forecast ng World Bank na baka umabot lang sa 4.7 % ang gross domestic product ng Pilipinas.
Ani Sec. Roque, hindi naman kasi inakalang mag-e-ECQ at MECQ ang pamahalaan sa ganitong kahabang panahon.
” Well, ang kasagutan ay dahil nga sa mga new variants napilitan tayong mag-ECQ at GCQ with restrictions dito sa Metro Manila +, where 63% of our GDP comes from ‘no. So, hindi nakakapagtaka kung bakit tumaas muli ang unemployment rate kasi tatlong buwan po tayo nag-ECQ, MECQ, at GCQ with restrictions ‘no. Pero kinakailangan naman iyan to achieve total health ‘no, na masigurado na minimize poverty at the same time control the dramatic in rise in cases dahil nga po sa mga new variants,” ayon kay Sec. Roque.
“At ang kinabukasan natin lalo na sa remaining buwan ng taong ito eh talagang taumbayan lahat ng mga datos na iyan, unfortunately, dahil sa pagsasara muli ng ekonomiya at ang kinabukasan natin lalo na sa remaining buwan ng taong ito eh talagang taumbayan ang magdedesisyon diyan, kinakailangan talaga mask, hugas, iwas at bakuna. Pero ang istratehiya naman natin unang-una is tangkain na ikontrol nga ang disease na ito para lalo tayong makapagbukas ng ekonomiya; pangalawa, patuloy pa rin iyong paggagamit natin ng fiscal at monetary policies na umaabot hanggang 2.7 trillion ang ating ibinibigay na subsidiya ano; at pangatlo po, iyong pinabibilis nga natin ang pagbabakuna,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque. (Daris Jose)
-
Fernando, hinikayat ang mga Bulakenyo na ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan at bata
LUNGSOD NG MALOLOS – Hinikayat ni Gob. Daniel R. Fernando ang lahat ng Bulakenyo na ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan at bata sa pamamagitan ng pakikiisa sa Orange Day Campaign sa Nobyembre 25, 2021 na hudyat ng pagsisimula ng “18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW)” alinsunod sa Proklamasyon 1172, T’06 mula Nobyembre 25 […]
-
Romnick, Elijah, Enchong at Carlo, maglalaban sa Best Actor: DOLLY, napili na maging Jury Chair sa ‘1st Summer MMFF’
NGAYONG Martes, ang Gabi Ng Parangal ng 1st Summer Metro Manila Film Festival (SMMFF) na gaganapin sa New Frontier Theater sa Quezon City. SA ang Jury Chair nito para sa dalaga nitong pinili ng MMFF Execom si Dolly de Leon, na isang internationally acclaimed Filipino film, television, and theater actress, bilang Jury Chair. […]
-
PBBM, nais na ibalik ang old school calendar ngayong taon
NAIS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ibalik ang old school calendar ‘as early as next school year’ (2024-2025) para maiwasan ang kanselasyon ng klase dahil sa matinding init ng panahon na dala ng El Niño phenomenon. Sa isang panayam sa sidelines ng Government-Owned or -Controlled Corporations (GOCCs) Day sa Pasay City, […]