Malakanyang, mas matimbang sa isyu ng unemployment rate kaysa sa hirit na dagdag sahod para sa mga manggagawa
- Published on January 28, 2021
- by @peoplesbalita
KUMBINSIDO si Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na mas dapat na mabigyan ng pansin ang estado ng unemployment rate ng bansa kaysa sa hinihinging dagdag umento sa mga manggagawa.
Ayon kay CabSec Nograles na maraming nawalan ng trabaho dahil na din sa pandemya at may mga datos na magpapakitang na sadyang tumaas nga ang unemployment rate.
Kung nasa 4.6 percent lang aniya ang mga walang trabaho nuong 2019 ay halos pumalo naman sa doble ang porsiyento nito nuong isang taon na nasa 8.7 percent.
Mahalaga ayon kay CabSec Nograles ang dagdag suweldo pero mas makabubuti aniyang mas mabigyang pokus ay mabigyan ng hanapbuhay ang mga nawalan ng trabaho. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Gobyerno, hahanap ng paraan para protektahan ang kabuhayan ng tobacco farmers— PBBM
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dapat na humanap ng paraan ang pamahalaan para protektahan ang kabuhayan ng mga tobacco farmers sa bansa. Ito’y bunsod na rin ng makabuluhang tax revenues mula sa tobacco industry. Ito ang binigyang diin ni Pangulong Marcos sa kanyang naging mensahe sa idinaos na International […]
-
Fernando, nagpaalala na sundin ang minimum health standards sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19
LUNGSOD NG MALOLOS- Muling pinaalalahanan ni Gob. Daniel R. Fernando ang mga Bulakenyo na patuloy na sundin ang minimum health standards sa gitna ng patuloy na pagsipa ng mga kaso ng COVID-19 sa lalawigan sa mga nakalipas na linggo. “Kung maaari po, lagi nating isipin na may virus, mag-ingat at maging maingat po […]
-
Gordon, bahag ang buntot na maging paksa nang pagsisiyasat ng COA ang PRC
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na takot si Senador Richard Gordon na maging paksa ang Philippine Red Cross (PRC) nang pagsisiyasat ng Commission on Audit (COA). Ang pahayag na ito ng Pangulo ay sa gitna ng nagpapatuloy na imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee ukol sa P8-bilyong halaga ng pandemic supply na binili […]