• January 6, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, nagbigay ng paglilinaw sa anti-terrorism bill

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang anti-terrorism bill na pinapayagan ang mga awtoridad na ikulong ang mga suspek kahit walang pagsasakdal ng dalawang linggo ay hindi paglabag sa Saligang Batas.

 

Ani Presidential spokesperson Harry Roque na pinapayagan ng Revised Penal Code ang 36-hour pre-trial detention sa terror suspects para maiwasan na makatakas ito at masira ang ebidensiya.

 

“As a [former] trial fiscal, there’s one issue that he has no problems with: that is pre-trial detention,” ayon kay Sec. Roque.

 

“He does not feel that the 14-day period is actually a violation of the constitutional provision that a warrant of arrest can only be issued by a judge because the law does not change that constitutional rule,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Ang batas, na inaabangang titintahan ng Pangulo ay naglalayon din na payagan ang pamahalaan na i- wiretap ang mga suspects at arestuhin ang mga ito ng walang warrant, bukod pa sa ibang probisyon.

 

Sa kabilang dako, nakatakdang magdesisyon ang Pangulo kung lalagdaan o hindi ang batas isang araw o dalawa matapos na matanggap nito ang rekomendasyon ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

 

“Barring constitutional infirmities, he is inclined to sign it but he wants to see the bill. He wants to make a personal determination,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • Sa dalawa lang na-starstruck sa buong buhay niya: ALDEN, consistent sa pagsasabing idol niya sina JOHN LLOYD at BEA

    CONSISTENT talaga ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards na idol niya talaga sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.     Kaya ang unang pagsasama raw nila ni Bea ngayon sa ‘Start-Up PH’ ay isang bagay rin na noong una ay hindi niya inakalang posible pala.     “Hindi naman po lingid sa […]

  • 29k Mga Pinoy, nabakunahan na laban sa Covid-19

    TINATAYANG mahigit na sa 29,000 Filipino ang nabakunahan laban sa COVID-19 simula nang sumipa ang inoculation program ng pamahalaan noong Marso 1.   Tinukoy ang Department of Health data, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na may 29,266 indibidwal na ang nakatanggap ng first dose ng bakuna “as of March 7.”   Nakapagpadala na ang […]

  • WASTE SEGREGATION SCHEME, MAHIGPIT NA IPATUTUPAD SA MAYNILA

    MAHIGPIT na ipatutupad ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila sa pamamagitan ng Department of Public Service (DPS) ang ang pagbubukod ng mga nabubulok at hindi nabubulok na basura na nakapaloob sa ilalim ng umiiral na R.A. 9003 o ang Ecological Solid Waste Management of 2000.     Ayon kay Kyle Nicole Amurao, Officer-in-Charge (OIC) […]