• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni Ang Dating Daan Bro. Eli Soriano

NAGPAABOT ng pakikiramay ang Malakanyang sa pamilya, kaibigan, mahal sa buhay at followers ni Bro. Eliseo “Eli” Soriano na pumanaw sa edad na 73.

 

Si Bro. Eli ay isang isang mapagmahal na mangangaral ng “Ang Dating Daan” kung saan ang kanyang mga aral ay humahaplos sa buhay at nagsisilbing gabay ng marami.

 

“His dedication to propagate the words of God in the Bible was a clear testament of his steadfast love to serve his brethren and the Almighty,” ani Presidential spokesperson Harry Roque.

 

“Our prayers go to Bro Eli as he may rest in eternal peace and happiness,” dagdag na pahayag nito.

 

Sa ulat, pumanaw na ang leader ng religious group na Members Church of God International at host ng programang “Ang Dating Daan” na si Bro. Eli Soriano.

 

Ibinalita ang pagyao ng televangelist sa pamamagitan ng social media accounts ng Ang Dating Daan ngayong Biyernes umaga, Feb. 12.

 

“It is with deep sadness, yet with full faith in the Almighty, that we announce the passing of our one and only Bro. Eliseo ‘Eli’ Soriano — a faithful preacher, brother, father, and grandfather to many,” ang bahagi ng mensaheng nakasulat sa Facebook page ng Ang Dating Daan.

 

Hindi naman nabanggit sa official statement ng nasabing religious group kung ano ang naging sanhi ng pagkamatay ni Bro. Eli.

 

Base sa opisyal na pahayag ng Ang Dating Daan, nagsimula ang pangangaral ng mga salita ng Diyos ng kilalang televangelist sa Guagua, Pampanga noong dekada 70.

 

Nabigyan din siya ng pagkakataon na malibot ang iba’t ibang parte ng mundo kabilang na ang Brazil at iba pang western countries.

 

Hanggang sa pasukin na rin niya ang mundo ng telebisyon sa pamamagitan ng paghu-host ng sariling radio show noong dekada 80. Mula noon, naging bukambibig na ang pangalang Bro. Eli Soriano kasabay ng pagdami ng mga sumusubaybay sa ADD.

 

Siniguro naman ng pamunuan ng Members Church of God International sa kanilang mga tagasuporta na tuluy-tuloy lang ang mga projects na sinimulan, tinutukan at pinaghirapan ni Bro. Eli.

 

Ipinanganak si Bro. Eli sa Pasay City pero nagkaisip at lumaki siya sa Pampanga. Siya ang itinuturing na “Overall Servant” ng Members Church of God International.

 

Nakilala siya ng publiko dahil sa kanyang “Bible Expositions” kung saan sinasagot niya ang mga impromptu questions ng kanilang mga miyembro sa pamamagitan ng live video streaming o tawag sa telepono. (Daris Jose)

Other News
  • Ads February 15, 2024

  • CA natanggap na appointment papers nina DILG Sec. Jonvic Remulla at DTI Cristina Roque

    KINUMPIRMA ng Commission on Appointments na natanggap na nga nila ang mga appointment papers ng bagong talagang Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ngayong Linggo, Oktubre 13.     At maging ang appointment papers ni DTI Secretary Cristina Aldeguer-Roque.     Ayon kay Surigao Del Sur 2nd district Rep. Johnny Pimentel, […]

  • Hot meat, nabubulok na karneng manok nasabat

    NAHARANG ng City Veterinary Office ang isang van na naglalaman ng higit sa 3,000 kilong nabubulok at mishandled na karneng manok sa labas ng Cogon market, Cagayan de Oro City, kahapon (Miyerkules) ng umaga.   Nakasilid ang karne sa mga supot.   Higit 1,000 kilo ng karneng manok ay nangangamoy at halos nabubulok na, habang […]