• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, nais ang karagdagang labs para sa mabilis na pagpapalabas ng RT-PCR test results

IPINAG-UTOS ng Malakanyang sa Bureau of Quarantine (BOQ) at Department of Transportation (DOTR) na taasan ang bilang ng mga accredited RT-PCR laboratories para mas maging mabilis ang pagpapalabas ng COVID-19 test results.

 

 

“We already gave a nudge to BOQ and DOTR to increase the number of accredited RT-PCR labs for additional options to our returning Filipinos,” ayon kay acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

 

“This should be done so [that] the RT-PCR results can be released sooner,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Cacdac na ang pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa bansa ay nagresulta ng pagdagsa ng mga specimens sa mga laboratoryo na naghihintay na ma-proseso at dahilan ng pagkaantala sa “turnaround time” para sa test results.

 

 

Sa kasalukuyang guidelines, ang mga fully vaccinated Filipino mula sa Red List areas ay required na gawin ang mga sumusunod: mag-presenta ng negatibong RT-PCR COVID-19 test, 48 oras bago ang departure; sumailalim sa facility based quarantine at magsagawa ng RT-PCR COVID-19 test sa pang-pitong araw at kompletuhin ang natitirang 14-day quarantine sa bahay kapag nag-negatibo sa test.

 

 

Samantala, ang mga fully vaccinated travelers naman mula sa Yellow List countries/territories, ay required na gawin ang mga sumusunod:

 

 

Mag-presenta ng negatibong RT-PCR COVID-19 test, 48 oras bago ang departure; sumailalim sa facility based quarantine at magsagawa ng RT-PCR COVID-19 test sa pang-limang araw at sa oras na mag-negatibo sa resulta, ang isanng byahero ay “may be released for completion of home quarantine up to the seventh day from the date of arrival.”

Other News
  • ‘Senior High’, more than 2 billion views na sa TikTok: ANDREA at KYLE, may pasabog na eksenang aabangan sa pagtatapos ng serye

    MABUBULGAR na ang lahat ng mga sikreto sa sinusubaybayang Kapamilya teleserye na “Senior High,” na kung saan mayroon na itong higit sa dalawang bilyong views sa TikTok, sa paglabas ng katotohanan sa pagpatay kay Luna (Andrea Brillantes) sa inaabangang “The Ender to Remember” finale sa Enero 19.       Pagkatapos ng matinding imbestigasyon, malalaman […]

  • Sindikato sa text scam, tatalupan ng PNP

    TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na hindi magtatagal at matatalupan na nila ang grupo o sindikato na nasa likod ng naglipanang text scam sa bansa.     Ang paniniyak ay ginawa ni PNP spokesperson Police Col. Jean Fajardo bilang tugon sa dumara­ming reklamo ng mga text messages mula sa hindi pa natutukoy na grupo. […]

  • Panawagan na tanggalin ang pondo ng Anti-Insurgency Task Force, hindi makatarungan – Malakanyang

    PARA sa Makanyang, hindi makatarungan na alisan ng pondo ang national anti-community task force.   “Sa akin po hindi naman po justified. Hayaan nating gawin nila ang katungkulan nila,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.   Kaya nga, hayagang binasura ng Malakanyang ang panawagan ng mga senador na tanggalin ang pondo ng anti-insurgency task force na mayroong […]