Malakanyang, nakiisa sa buong mundo para sa pagdarasal na matapos na ang girian sa Ukraine
- Published on March 4, 2022
- by @peoplesbalita
NAKIISA ang Malakanyang sa bansa at sa buong mundo para sa pagdarasal para sa mas maaga at mapayapang resolusyon sa girian sa Ukraine.
“We reiterate the position of the Philippines that war benefits no one, and that it exacts a tragic, bloody toll on the lives of innocent men, women, and children in the areas of conflict,” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.
Ang girian aniya sa Ukraine ay mayroong “economic, trade, and human resource implications” para sa bansa at sa sambayanang filipino.
Habang naka-monitor aniya ang gobyerno ng Pilipinas sa kasalukuyang situwasyon, ang bawat Filipino ay may karapatan na malaman kung ano ang ginagawa ng pamahalaan na paghahanda sa kahit na anumang kaganapan.
“President Rodrigo Roa Duterte has given assurances that mitigating measures and contingency plans will be in place as part of the government’s pro-active response to the conflict in Ukraine,” ang pahayagni Nograles.
Nauna rito, pinulong ni Pangulong Duterte, kahapon, Marso 1, ang ilang miyembro ng kanyang gabinete kasama ang mga matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP), at iba pang high-ranking officials, para pag-usapan ang posibleng senaryo kapag nagpatuloy at umigting ang Russia-Ukraine conflict.
Dahil dito, inaprubahan ni Pangulong Duterte ang rekumendasyon ng kanyang Economic Team na palakasin ang domestic economy, patatagin ang presyo ng mga pangunahing bilihin, magbigay ng social protection, at tuklasin ang diplomatic channels na makatutulong na maresolba ang nasabing hidwaan.
“As to food stability, the Chief Executive approved the recommendations of the Department of Agriculture (DA) to boost local food production. Kasama na rito ang pagpapataas ng produksyon ng pagkain sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Plant, Plant, Plant Part Two, pagpapataas ng rice buffer stock na hindi bababa sa tatlumpung araw, pamamahagi ng tulong pinansyal sa ating mga nagsasaka ng palay, at pagtugon sa tumataas na presyo ng abono o pataba, tulad ng pagbibigay ng fertilizer subsidy at market access through bilateral discussions sa fertilizer-producing countries,” litanya ni Nograles. (Daris Jose)
-
PBBM, nagpaabot ng pagbati sa Barangay, SK-elect officials; pinaalalahanan ang mga ito na maging “tapat at taus-pusong” magsilbi sa nasasakupan
NAGPAABOT ng pagbati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga bagong halal at re-elected barangay and Sangguniang Kabataan (SK) officials sa katatapos lamang na halalan, araw ng Lunes. Pinaalalahanan niya ang mga ito na maging tapat at taus-pusong magsilbi sa kanilang nasasakupan. Sa isang video message, umaga ng araw ng Martes, Oktubre 31, binigyang […]
-
Bigo man sa titulong ‘Queen of the Mothertucking World’: MARINA, nag-iisang Asian na umabot sa Top 4 sa ‘RuPaul’s Drag Race: UK vs. the World’
BIGO na mapanalunan ng Pinay Drag Artist na si Marina Summers ang titulo na Queen of the Mothertucking World sa ‘RuPaul’s Drag Race: UK vs. the World’. Ang nagwagi ay si Tia Kofi ng UK. Umabot sa Top 4 si Marina pero napauwi siya nang hindi siya magwagi sa lipsync showdown. […]
-
1 day a week policy, puwedeng ipatupad ng mga lokal na pamahalaan para mabigyang pagkakataon na makalabas ng bahay ang mga Senior Citizen
IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Local Government Units (LGUs) ang pagpapasya o discretion kung pagbibigyan ang panawagan ng Senior Citizen’s partylist na ikunsidera ang mental at emotional health ng mga Senior Citizen. Bukod pa sa bigyan ang mga ito ng exemption sa implementasyon ng age restriction ng mga hindi pinapayagang makalabas ng bahay. […]