• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, nakiramay sa pagpanaw ng beteranong broadcaster at dating press secretary na si Dong Puno

NAGPAABOT ng pakikidalamhati at pakikiramay ang Malakanyang sa pamilya, kaibigan, at kasamahan sa trabaho ni dating Press Secretary Ricardo “Dong” Puno, Jr., na pumanaw, February 15, sa edad na 76.

 

 

“A lawyer by profession, Sec. Puno was a respected member of the media prior to and after serving under the administration of former President Joseph Estrada.,” ayon Kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

 

Kilala sa kanyang paging matalino, insightful interviews, kinilala si  Sec. Puno  sa kanyang napakaraming katangian  para sa kanyang trabaho  sa public affairs programs na nakatulong na makapagbigay sa publiko ng  “better understanding” sa mga tinatawag na “issues of the day.”

 

 

“Our thoughts are with the loved ones of Sec. Puno as we join them in praying for his eternal repose,” ani Nograles.

 

 

Sa ulat, kinumpirma ng dalawang anak ng beteranong broadcaster at dating press secretary na namayapa na ang kanilang ama.

 

 

Ayon sa kanyang dalawang anak na sina Ricky at Donnie, 12:15pm ngayong araw nang pumanaw ang kanilang ama dahil sa iniindang karamdaman.

 

 

Kilala si Dong Puno bilang dating public affairs host, media executive, newspaper columnist, at isang abogado.

 

 

Ilan sa kanyang nga naging ABS-CBN shows ay ang “Dong Puno Live”, “Viewpoints”, at “Insider”.

 

 

Taong 2000 nang i-appoint siya ng dating presidente Joseph “Erap” Estrada bilang press secretary bago ito tumakbo sa pagkasenador noong sumunod na taon ngunit sa kasamaang palad ay natalo ito at nagbalik na lamang sa Kapamilya network. (Daris Jose)

Other News
  • Del Monte, Roosevelt baka mayroong ibang paraan na mabigyan ng parangal si FPJ nang walang paglabag sa batas

    SA unang public consultation ng Committee on Tourism ng Quezon City Council tungkol sa resolution na imbes na Del Monte Avenue ay Roosevelt Avenue na lang ang gawing FPJ Ave ay nagpadala ng pahayag ang National Historical Commission kay Chairperson Coun. Candy Medina na nagsasabing THE PROVISIONS OF REPUBLIC ACT NO.10066 (National Cultural Heritage Act […]

  • Sexton, Anthony, Griffin, Rondo, kabilang sa higit 20 pang players na nasa NBA free agency

    UMAABOT pa sa mahigit 20 mga players kasama na ang ilang magagaling na mga veterans ang wala pa ring koponan matapos magpaso ang kanilang kontrata, habang ang iba naman ay tumanggi nang magkaroon ng extension.     Kabilang sa mga nakabitin pa ang mga career at nasa free agency ay ang 23-year-anyos na scoring guard […]

  • JOHN LLOYD, hindi ikinaila na masaya siya sa pagpapakasal nina DEREK at ELLEN; nag-taping na kanyang sitcom sa GMA

    THANKFUL si Ms. Jessica Soho na pumayag ang new Kapuso leading man na si John Lloyd Cruz na pumunta sila sa El Nido, Palawan para sa exclusive interview niya para Kapuso Mo, Jessica Soho.     Sinagot ni Lloydie ang tanong ni Jessica why he took a long break from showbiz at naglagi sa El […]