Malakanyang, niresbakan ang patutsada ng isang numero unong kritiko ni PDu30
- Published on October 7, 2021
- by @peoplesbalita
BINUWELTAHAN ng Malakanyang ang malisyosong puna ng numero unong kritiko ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nang sandaling puntahan ng huli ang isang mall, araw ng Sabado.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nag-sidetrip lang ang Pangulo sa isang mall kasama si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go matapos na maghain ng kanyang Certificate of Candidacy ang senador ng nasabing araw.
Iyon nga lamang, kaagad na nabahiran ng malisya ng isang kritiko ni Pangulong Duterte ang bagay na ito dahilan para mapasama ng Chief Executive.
“President Duterte went around personally checking how businesses are faring with the re-opening of industries and the economy. PRRD stayed for a few minutes and bought cookies – not a high-end watch, as one senator maliciously implied,” ayon kay Sec. Roque.
Ang Pangulo ay walang pagod na nagta-trabho sa panahon ng pandemiya at ilalaan ang natitira niyang araw para bagayan ang bansa tungo sa post-COVID-19 recovery.
Sa ulat, pinuna ni Senador Richard Gordon ang ginawang di umano’y “pamamasyal” ni Pangulong Duterte sa mall.
“May tinatawag tayo sa civil code na conscpicuous consumption in times of crisis. may krisis po tayo nakuha pa nilang bumili (Pharmally executives luxurious cars),” ayon kay Gordon.
“Parang ‘yung presidente at si secretary bong go matapos silang mag file ng candidacy hindi ko maintindihan bakit sila nagpunta sa isang gusali na nagtitinda ng mamahaling relo isang mamahalin na department store. wala na ba tayong mga budhi mga kaibigan hindi ba natin nalalaman nahihirapan ang mga tao pupunta pa tayo sa lugar na mararangya ang nakakabili lang ay talagang may pera hindi natin alam kung saan galing,” dagdag na pahayag nito.
-
PDU30 inako na siya ang sisihin sa kakulangan ng bakuna sa unang bahagi ng 2021
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na siya ang dapat sisihin sa mababang suplay ng COVID-19 vaccines sa unang bahagi ng taon. Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi, inamin ng Chief Executive na mahirap makakuha ng sapat na suplay ng bakuna dahil walang manufacturing company sa bansa. “Kung mayroon mang […]
-
Sa Tiktok video na inaakit nila si Derrick: KIRAY, kinabog ang seksing katawan nina ELLE at LIEZEL
PINOST ni Kiray Celis ang Tiktok video na inaakit nila nina Elle Villanueva at Liezel Lopez si Derrick Monasterio sa “Ma Boy Dance Challenge”. Kinabog ni Kiray ang mga seksing katawan nina Elle at Liezel dahil naging asset niya ay ang kanyang matambok na puwet. May “puwetserye” nga si […]
-
Phil. men’s football team nahanay sa mga mabibigat na koponan sa AFC Asian Cup Saudi Arabia Qualifiers
Mahaharap sa matinding hamon ang Philippine men’s football team para sa AFC Asian Cup Saudi Arabia 2027 Qualfiers sa susunod na taon. Sa isinagawang draw nitong araw ng Lunes sa AFC House sa Kuala Lumpur, Malaysia ay nahanay ang Pilipinas sa Tajiksitan, Maldives at Timor-Leste para sa third at final round ng […]