Malakanyang, no reaction sa pagbabalik ng ABS-CBN sa telebisyon
- Published on October 9, 2020
- by @peoplesbalita
DEADMA at “no reaction” ang Malakanyang sa ulat na pagbabalik ng ilang ABS-CBN Corp content sa free television.
May tatlong buwan na nang pagkaitan ng Kongreso na mabigyan ng prangkisa ang ABS- CBN.
Araw ng Martes nang sabihin ng ABS-CBN na ilan sa kanilang entertainment shows at movies ay mapapanood sa A2Z channel 11, ang bagong rebranded Zoe TV 11, simula Oktubre 10 sa pamamagitan ng blocktime arrangement.
“What has happened is ABS- CBN has become a content provider so that’s a distinct line of business that does not require a franchise. I guess the fans of ‘Probinsyano’ and the other soap operas can look forward to them on Zoe TV,” ayon kay Presiden- tial Spokesperson Harry Roque.
“We neither welcome it nor we have no reaction to it because they’re a content provider. For all intents and purposes, it is Zoe that will be subject to regulation because Zoe is the franchise holder,”anito.
Sa kabilang dako, wala namang ideya si Sec. Roque kung nag-usap sina House Deputy Speaker Bro. Eddie Villanueva, founder ng Zoe Broadcasting Network Inc. at Pangulong Duterte hinggil sa naging kasunduan ng ABS-CBN at Zoe nang magkita ang mga ito sa pray noong nakaraang linggo.
Sa ulat, inihahanda na ang pag-ere ng mga programa ng ABS-CBN sa ZOE TV ni Bro. Eddie Villanueva na umeere bilang Light TV 33.
Familiar ang network ni Bro. Eddie dahil dito dati blocktimer ang GMA News TV.
Fourteen years ding may bloke ng mga programa ng GMA News TV na dati ay QTV.
Noong nakaraang taon lang natapos ang kontrata ng GMA News TV sa istasyon na ito ni Bro. Eddie.
Ngayon ay sa Light TV 33 na nga ang ZOE TV at alam nating religious station ito ng Jesus is Lord Fellowship.
Matatandaang, bigo ang ABS- CBN na makakuha ng boto mula sa kongreso pabor sa kanilang pagkakaroon ng panibagong prangkisa.
Para maaprubahan ang pagbigay sa higanteng network ng 25-year franchise, kinakailangan nilang makakuha ng malaking bilang ng boto mula sa kongreso. Subalit hindi ito ang nangyari sa naganap na botohan nitong Biyernes, July 10.
Sa bilang na 70-11, bigo ang Channel 2 na muling magkaroon ng prangkisa bunsod ng malaking bilang ng mga kongresista na hindi sang-ayon dito.
Bukod pa doon, dalawa sa kanila ang hindi sumali o nag- abstain sa isinagawang eleksyon. (Daris Jose)
-
PBBM, magpapartisipa sa ASEAN Summit sa Lao PDR
SA SUSUNOD na linggo ay nakatakdang magpartisipa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 44th at 45th ASEAN Summit and Related Summits sa Vientiane, Lao PDR sa susunod na linggo. Ngayong taon, ang naturang summit ay may temang ASEAN: Enhancing Connectivity and Resilience. Sa website nito, sinabi ng ASEAN na ang rehiyon […]
-
Mas maraming Pilipino ang naging obese sa panahon ng pandemya – survey
TUMAAS ang bilang ng ‘obesity’ lalong lalo na sa mga bata dahil sa Covid-19 pandemic. Base ito sa bagong survey na ginawa ng pamahalaan. Nakasaad sa 2021 Expanded National Nutrition Survey (ENNS) ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI), lumalabas na ang obesity rate sa mga bata […]
-
DBM AT COA PINALAWIG ANG KONTRATA NG JOB ORDERS AT CONTRACTUALS
PINALAWIG pa ng Department of Budget and Management (DBM) at Commission on Audit (COA) hanggang 2022 ang pagkuha ng mga contractual at job orders na mga empleyado. Sa Joint Circular No. 2, na dahil sa krisis dulot ng COVID-19 ay naapektuhan ang operasyon ng mga government agencies kaya mahalaga ang mga job orders at […]