• January 2, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, pinalagan ang tila patutsada ni Sen. Gordon

PINALAGAN ng Malakanyang ang patutsada ni Senator Richard Gordon na hindi mangyayari ang mga krimen na iniuugnay sa POGO industry kung hindi malambot ang posisyon ng administrasyon sa China.

 

Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, hindi kailanman naging malambot si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa anumang usapin na mayroong kinalaman sa national interest.

 

Ayon kay Sec. Panelo, tila hindi kilala ni Senador Gordon si Pangulong Duterte. Decisive ang Punong Ehekutibo.
At katulad nang naunang pahayag ng Malakanyang, ang lahat ng iregularidad at korupsyon na iniuugnay sa anumang proyekto o aktibidad ng gobyerno ay palaging iniimbestigahan at sa oras na lumabas ang finding, agad na aaksyon ang Chief Executive.

 

Hindi rin aniya totoong nasasaktan ang Malakanyang sa tuwing nasasangkot ang China sa mga isyu.
Hindi niya maintindihan kung bakit nasasabi ito ng senador.

 

Malaki ang posibilidad na dahil ito sa una niyang pahayag na dapat ibahagi ni Senator Gordon ang impormasyon nito kaugnay sa money laundering sa bansa.

 

Samantala, sinabi ni Sec. Panelo na bilang opisyal ng pamahalaan ay tungkulin naman talaga nilang makipagtulungan at ibahagi ang mga impormasyong mayroon sila kaugnay sa anomang anumalya o paglabag sa batas, lalo na kung wala pang hawak na impormasyon ang pulisya.

Other News
  • Hanga sa pagiging mabait at mahusay makisama: VICE GANDA, nanghinayang na ‘di na matutupad ang dream project kasama si JACLYN

    NAGTAPOS na sa ere ang noontime show na “Tahanang Pinakamasaya“ na for sure hindi naging masaya ang ending para sa mga host ng programa.   Mga old movies daw muna ang mga mapapanood sa timeslot na ilang dekada na ring hawak ng programang “Eat Bulaga” nina Tito, Vic at Joey. Dahil sa pagkakatsugi ng show […]

  • PBA players dismayado sa ‘pambababoy’ sa laro

    Binatikos ng ilang PBA play­­-­­­ers at coaches ang umano’y “pambababoy” ng ilang players sa kasalukuyang VisMin Super Cup na naka-bubble setup sa Alcantara, Cebu.     Nanguna sa listahan ng mga pumuna si NLEX player Kiefer Ravena na lubos na nalungkot sa pambabastos sa sport na nagsisilbing kabuhayan ng maraming players.     “Sad to […]

  • Duque tiniyak kay Pangulong Duterte, maipamamahagi ang SRA at kompensasyon sa mga health workers sa Agosto 31

    TINIYAK ni Health Secretary Francisco Duque III kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maipamamahagi na ang special risk allowance at kompensasyon para sa mga health workers sa darating na Agosto 31.   Noong nakaraang linggo kasi ay binigyan ni Pangulong Duterte ng 10 araw na palugit ang Department of Health (DOH) at Department of Budget […]