• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, pinamamadali sa NTC ang pagsusumite ng evaluation report

IPINAG-UTOS ng Malakanyang sa National Telecommunications Commission (NTC) ang mabilisang pagsusumite ng evaluation report ukol sa mga ginagawa umanong pagsasaayos at pagpapalakas ng signal ng mga network company sa bansa.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa ring nakaantabay ang kanyang opisina sa official evaluation na ito mula sa NTC para maisumite na sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Aniya, umaasa siya na bago matapos ang taon ay maisusumite na ni NTC Comm. Gamaliel Cordova ang ebalwasyon nito sa mga malalaking telcos sa bansa upang malaman kung talagang nagkaroon ng pagbuti sa network services ng mga Ito.

 

Sa kabilang dako, hindi naman masabi ni Sec. Roque kung may maipasasarang telecommunication company sakaling mapatunayan na wala paring improvement sa kanilang serbisyo.

Other News
  • 5 drug suspects tiklo sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela buy bust

    LIMANG hinihinalang drug personalities ang nasakote ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela Cities.     Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-12:21 ng hating gabi nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Restie Mables sa buy […]

  • PCO, mga dambuhalang social media company pinaigting ang digital defense kontra fake news

    SANIB-PUWERSA ang Presidential Communications Office (PCO) at ang mga higanteng social media company sa Pilipinas sa paglaban sa “misinformation at disinformation.”     Binigyang diin ni PCO Undersecretary for Digital Media Services Emerald Ridao sa pagtitipon na may katawagan na UniComm 2024 sa Bayleaf Hotel sa Intramuros, Maynila ang pangangailangan na ‘wakasan na” ang “misinformation […]

  • Julia, forever grateful sa ‘Star Magic’ at ‘di totoong walang utang na loob

    HINDI naging madali para kay Julia Barretto ang iwan ang Star Magic dahil 14 years siyang nanatili roon.   Ipinaliwanag naman niya kung bakit ang Viva Artist Agency na ang bago nang magma-manage sa kanyang showbiz career.   “Mula nine years old sila na ang naging pamilya ko,” sabi niya.   “But you know what […]