Malakanyang, pinamamadali sa NTC ang pagsusumite ng evaluation report
- Published on January 6, 2021
- by @peoplesbalita
IPINAG-UTOS ng Malakanyang sa National Telecommunications Commission (NTC) ang mabilisang pagsusumite ng evaluation report ukol sa mga ginagawa umanong pagsasaayos at pagpapalakas ng signal ng mga network company sa bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa ring nakaantabay ang kanyang opisina sa official evaluation na ito mula sa NTC para maisumite na sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Aniya, umaasa siya na bago matapos ang taon ay maisusumite na ni NTC Comm. Gamaliel Cordova ang ebalwasyon nito sa mga malalaking telcos sa bansa upang malaman kung talagang nagkaroon ng pagbuti sa network services ng mga Ito.
Sa kabilang dako, hindi naman masabi ni Sec. Roque kung may maipasasarang telecommunication company sakaling mapatunayan na wala paring improvement sa kanilang serbisyo.
-
Castro vs Biscocho sa pagka-race director
Si Jose ‘Jun’ V. Castro Jr. ang kinikilalang ng ama ng Philippine running. Siya ang dahilan ng running boom sa bansa noong dekada 80 tapos ng bantog niyang Band Aid Family Marathon Clinic noong 70s. Pero noong 1980 silang dalawa – Castro ng Intergames o Intersport at Rodolfo ‘Rudy’ Biscocho ng Run And […]
-
Tokyo Olympics organizers, tiniyak na hindi na maantala pa ang torneo
Ipinakita ang Tokyo Olympic organizers na wala ng dahilan para muli pa nilang kanselahin ang nasabing torneo sa susunod na taon. Isa aniya sa pagpapatunay ng kanilang kahandaan ay ang pagbabalik sa Tokyo Bay ng The Olympic rings monument. May taas ito na 15.3 meters at lapad na 32.6 metro na unang inilagay […]
-
Pinay tennis star Alex Eala wagi kontra French opponent
Binigo ni Pinay tennis ace player Alex Eala si Margot Yerolymos ng France sa opening game ng W60 Bellinzona. Nakuha ang 15-anyos na si Eala ang score na 7-6(6), 6-2 sa laro na ginanap sa Switzerland. Kasabay din nito ay nag-uwi ito ng $60,000. Maguguntiang umakyat ang WTA ranking ni Eala […]