Malakanyang, pinayuhan ang mga employer na magtalaga ng health safety officer sa kanilang work place
- Published on January 12, 2022
- by @peoplesbalita
UMAPELA ang Malakanyang sa mga nagmamay-ari ng kumpanya na gumawa ng kaukulang hakbang para masiguro na nagagawa ang pag- iingat sa kanilang work place.
Ang apela ng Malakanyang ay ginawa sa harap ng nagpapatuloy na pagsirit ng mga nadaragdag na kaso ng COVID 19.
Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, mas makabubuting magtalaga ang mga employer ng health safety officer sa kanilang mga tanggapan o sa mga lugar na nagsisilbing trabahuhan.
Magiging trabaho ng health safety officer na magpaalala sa mga empleyado at titiyak na nasusunod ang minimum public health standard.
“Sa mga pumapasok onsite, ilang paalala sa mga employer sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19: Una, mag-assign po tayo ng health safety officer sa inyong workplace para ipaalala sa mga empleyado ang pagsunod sa minimum public health standards at mag-monitor at mag-track po tayo ng mga sintomas,” ani Nograles.
Aniya pa, bukod sa minimum health protocol ay dapat din aniyang masiguro na may bentilasyon ang mga work place at iwasan ang closed spaces.
“Pangalawa, tiyakin ang proper ventilation at iwasan ang closed spaces,” anito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Most wanted person sa statutory rape, nabitag ng NPD sa Malabon
NALAMBAT ng mga operatiba ng District Intelligence Division ng Northern Police District (DID-NPD) ang isang machine operator na listed bilang most wanted sa dalawang bilang ng statutory rape sa isinagawang manhunt operation sa Malabon City. Kinilala ni DID Chief P/Col. Alex Daniel ang naarestong akusado bilang si Jose Ryan Sarmiento, 42, machine operator […]
-
Beermen magpapalit ng import
BAGAMA’T impresibo ang inilaro ni import Orlando Johnson sa nakaraang 110-102 panalo ng San Miguel sa nagdedepensang Barangay Ginebra ay papalitan pa rin siya ng Beermen sa umiinit na PBA Governors’ Cup. Ang five-year NBA veteran na si Shabazz Muhammad ang sasalo sa trabaho ni Johnson para palakasin ang tsansa ng San Miguel […]
-
Opisyal ng DepEd, kinumpirma ang memo sa pag-alis ng ‘Diktadurang Marcos’
KINUMPIRMA ng Department of Education (DepEd) ang umiiral at umiikot na memo sa social media na nagbibigay atas na baguhin ang “Diktadurang Marcos” at gawin na lamang “diktadura” na matatagpuan sa Grade 6 Araling Panlipunan curriculum. “I confirm that indeed there was a letter that was sent to the Office of Undersecretary for […]