Malakanyang, pinayuhan ang publiko na mag-ingat kahit pa humina ang bagyong ‘Agaton’
- Published on April 12, 2022
- by @peoplesbalita
PINAYUHAN ng Malakanyang ang publiko na mag-ingat kahit pa humina na ang bagyong “Agaton” (international name Megi) at naging tropical depression na lamang.
Partikular na pinaalalahanan ng Malakanyang na mag-ingat ang mga residente sa mga apektadong lugar.
“Muli kaming nananawagan sa publiko, lalo na sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo, na magsagawa ng kinakailangan precautionary measures. Magbasa at manood ng pinakabagong weather advisories at bulletins,” ayon kay Acting Presidential Spokesperson Sec. Martin Andanar.
Ipinag-utos din ng Malakanyang ang publiko na makipag-ugnayan sa mga opisyal at ahensiya para sa posibleng rescue operations.
Tiniyak naman nito na masusing naka-monitor ang executive branch sa itinatakbo ng tropical depression at maging ang pagsisikap ng mga ahensiya na tugunan ang weather disturbance.
“Government’s hands are on deck to assist affected residents,” ayon kay Andanar.
Sa kasalukuyan, ang National Disaster Risk Reduction and Management Council ay nakikipag-ugnayan na sa disaster councils ng mga apektadong lugar para suportahan ang relief activities.
“As of 8 a.m. Monday,” mayroong 201 apektadong barangay na may 3,717 displaced families ang nasa loob ng 71 evacuation centers sa Region 6, Region 7, Region 8, Region 10, Region 11, Region 12, Caraga at BARMM.
May kabuuang 15 lungsod/ munisipalidad ang nakaranas naman ng power interruption/shortage, kung saan ang power supply sa apat na lungsod/ munisipalidad ay na-restore na o naibalik na ang suplay ng kuryente.
Sa ‘8 a.m. bulletin,’ sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na si Agaton ay namataan sa coastal waters ng Tanauan, Leyte.
“Agaton” now packs maximum sustained winds of 55 kilometers per hour near the center, and gustiness of up to 75 kph. It is slowly moving north northwest,” ayon sa ulat.
Binawi naman ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 sa mga lugar na unang naapektuhan ng nasabing bagyo.
Samantala, itinaas ang TCWS No. 1 sa katimugang bahagi ng Masbate (Dimasalang, Palanas, Cataingan, Pio V. Corpuz, Esperanza, Placer, Cawayan); Eastern Samar, Samar, Northern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, hilagang-silangang bahagi Cebu (Daanbantayan, San Remigio, Medellin, City of Bogo, Tabogon, Borbon, Sogod, Catmon, Carmen, Danao City, Compostela, Liloan) kabilang na ang Camotes Island, at silangangang bahagi ng Bohol (Getafe, Talibon, Bien Unido, Trinidad, Ubay, San Miguel, Pres. Carlos P. Garcia, Mabini); Surigao del Norte at Dinagat Islands. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Detention ng foreign nationals na magte-trespass sa WPS, inconsistent sa UNCLOS -DFA
ITINUTURING ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na ‘inconsistent’ sa United Nation Convention on the Law of the Seas (UNCLOS) ang regulasyon ng Tsina na nagbibigay kapangyarihan sa coast guard nito (Tsina) para i- detain ang sinumang foreign nationals na magte-trespass sa West Philippine Sea (WPS). Sa isang panayam, tinanong kasi si Manalo kung ano […]
-
PBBM, hinikayat ang mga deboto ng Señor Sto. Niño na i-translate ang kanilang pananampalataya sa gawa, ipalaganap ang pag-asa, pagmamahal at saya
NAKIISA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa milyon-milyong deboto ng Señor Sto. Niño sa pagdiriwang ng Sinulog Festival kasabay ng paghikayat sa mga ito na i-translate ang kanilang pananampalataya sa gawa at ipalaganap ang pag-asa, pagmamahal at saya sa iba. Sa naging mensahe ng Pangulo, umaasa ito na mananatiling nagkakaisa ang mga […]
-
DC SUPERHERO FILM “BLUE BEETLE” REVEALS TEASER POSTER
FRESH from CCXP 2022 in Brazil, check out the teaser poster for the upcoming DC superhero film “Blue Beetle” – in cinemas across the Philippines August 16, 2023. The first Latinx-led superhero film from a major studio, “Blue Beetle” follows Jamie Reyes, a teenager who is gifted superhuman strength, speed, and armor when […]