Malakanyang, pinuri ang local coast guard personnel sa ginawang pagpapaalis sa Chinese naval ship sa baybaying dagat ng El Nido, Palawan
- Published on July 21, 2021
- by @peoplesbalita
PINURI ng Malakanyang ang local coast guard personnel para sa ginawang pagpapaalis sa Chinese naval ship na namataan sa katubigan ng bansa.
“Congratulations po sa ating magigiting na PCG (Philippine Coast Guard),” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
“I’m sure in due course you will be given the proper recognition that you deserve. Saludo po kami sa inyo,” dagdag na pahayag nito.
Sa ulat, isang Navy Warship ng China ang namataan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Marie Louise Bank na nasa 147 nautical miles mula sa baybaying dagat ng El Nido, Palawan nitong nakaraang linggo.
Ayon kay Commodore Armand Balilo, tagapagsalita ng PCG, ang nasabing Navy Warship’ ay may watawat ng People’s Republic of China na markado ng Chinese character.
Matapos aniya itong mamonitor ng BRP Cabra ng PCG, mahinahon itong nagsagawa ng radio challenge habang mino-monitor ang galaw ng barko ng China gamit ang radar.
Para naman mas makita ang ginagawang aktibidad ng Chinese Navy Warship sa katubigang sakop ng Pilipinas, lumapit pa ang BRP Cabra.
Pero matapos walang matanggap na verbal response, ginamit ng BRP Cabra ang Long Range Acoustic Device para magpahatid ng verbal challenge sa nasabing Chinese Navy Warship.
Matapos nito, nagsimula umanong gumalaw ang barko palabas ng Marie Louise Bank.
Pero para makasigurong aalis talaga ang barko ng China sa katubigan na sakop ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas, sinundan ito ng BRP Cabra.
Matapos maramdaman na humigit-kumulang 500 – 600 yarda o 0.25 – 0.30 nautical mile na lang ang distansya ng BRP Cabra sa kanilang barko, nagbigay na ng mensahe sa pamamagitan ng radyo ang Chinese Navy Warship kung saan pinalalayo nito ng distansya ang barko ng PCG.
Hindi naman nagpatinag ang BRP Cabra at mahigpit pa ring binantayan ang Chinese Navy Warship hanggang sa tuluyan itong nakalabas ng Marie Louise Bank.
Ang pagpapatrolya ng BRP Cabra sa Marie Louise Bank at Kalayaan Island Group (KIG) sa Palawan ay bahagi ng misyon nito sa ilalim ng Task Force Pagsasanay.
Matatandaang noong Hunyo 30, matagumpay ring napaalis ng BRP Cabra ang limang ‘Chinese ship’ at dalawang ‘Vietnamese vessel’ na na-monitor sa Marie Louise Bank. (Daris Jose)
-
8 sa 15 preso pumuga sa Caloocan detention facility, nahuli na
NASAKOTE na sa manhunt operation ng pulisya ang anim sa 15 persons Under police custody (PUPC) na pumuga sa kanilang temporary detention facility sa Caloocan City, Huwebes ng madaling araw. Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Dario Menor, 15 PUPCs ang tumakas bandang ala-1:50 ng madaling araw sa pamamagitan ng maliit na butas na […]
-
Pamana ng ‘BCWMH’ at itinuturing na panganay na anak: ICE, may new entries sa okrayan nila ng nanay-nanayan na si SYLVIA
NAKA-TAKE 15 si Sylvia Sanchez bago nabuo ang kanyang birthday message para sa itinuturing na panganay na anak na si Ice Seguerra na nagsi-celebrate din ng kanyang 35th anniversary sa showbiz industry. Ipinalabas nga ang bahagi nito sa celebration ng pop icon last Saturday sa Eat Bulaga. Pahayag ni Ibyang, “masaya ako doon […]
-
Sobrang ginalingan pero alam na may kulang pa: SETH, inaming sinsero sa nararamdaman para kay FRANCINE
MAGKATAMBAL sa pelikulang My Future You sina Seth Fedelin at Francine Diaz na official entry ng Regal Entertainment, Inc. sa 50th Metro Manila Film Festival na mapapanood simula December 25. Kaya natanong si Seth kung ano ang gusto niyang mangyari sa future niya, “Gusto ko magkaroon ako ng talagang taong magmamahal at kikilalanin […]