• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, siniguro na may paparating na ayuda para sa mga Filipinong apektado pa rin ng pandemya

TINIYAK ng Malakanyang na may rekomendasyon na ang Department of Budget and Management (DBM) para mabigyan ng ayuda ang mga Filipinong hanggang ngayon ay hirap pa rin dahil sa pandemya.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, gulong na lang ng papel ang hinihintay sabay panawagan sa mga kinauukulan na huwag mainip.

 

Sinabi ni Sec. Roque na mayroon pang mapagkukunan mula sa 2021 budget gayong nasa buwan pa lang naman ng Hulyo.

 

Bukod pa sa nandiyan din aniya ang paghingi ng supplemental budget kung saka- sakali na pwede na aniyang ipasok sa 2022 budget.

 

“Unang-una po, consistent po ang gobyerno. Titingnan po natin kung kakailanganin pa natin ng supplemental budget kasi mayroon pa po tayong 2021 budget at buwan pa lang po ng Hulyo so mayroon pa pong natitira talaga sa budget na iyan,” ayon kay Sec. Roque..

 

“Now kung magkukulang, imbes na humingi po ng supplemental budget, pupuwedeng ipasok na po iyan sa 2022 budget na tatalakayin ng Kongreso. Pero kung talagang kakailanganin eh madali naman pong humingi ng supplemental budget; kung kulang ang oras pupuwede ring humingi po ng special session. Pero sa ngayon po, tinitingnan natin kung mayroon talagang pangangailangan,” dagdag na pahayag nito.

 

Samantala, mahigpit din aniya ang bilin ng Pangulo sa IATF na huwag mag-i-ECQ nang hindi magbibigay ng ayuda.

 

“Now uulitin ko po ha, bagama’t naghihintay ang ating mga kababayan na nasa ECQ, huwag po kayong mag-alala – ang Presidente isa lang ang kaniyang talagang inuulit-ulit sa aming mga taga-IATF – huwag kayong mag-i-ECQ nang hindi magbibigay ng ayuda,” aniya pa rin.

 

“Darating po ang ayuda, hindi ko lang po maanunsiyo ngayon bagama’t alam ko po nagsimula na iyong proseso. Mayroon na po diyang recommendation ang DBM, hinihintay lang po natin iyong gulong ng papel. Huwag po kayo sanang mainip,” pakiusap ni Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • JENNIFER LAWRENCE’S NEW COMEDY “NO HARD FEELINGS” DROPS A TRAILER

    A girl’s gotta do what a girl’s gotta do. Jennifer Lawrence stars in Columbia Pictures’ new comedy No Hard Feelings.  Check out the official trailer below and watch the film exclusively in cinemas across the Philippines this June.   Red Band – https://www.youtube.com/watch?v=XIPxowiHRr4&t=1s   Regular – https://www.youtube.com/watch?v=Qnih0pabCBI   About No Hard Feelings   Jennifer Lawrence produces and stars in No Hard […]

  • Ads February 10, 2022

  • Bading na-depressed sa utang, nagbigti

    NASAWI ang isang 23-anyos na bading na dumanas umano ng depresyon matapos magbigti dahil sa hindi nabayarang utang sa Malabon City, kahapon (Huwebes) ng madaling araw.   Kinilala ang biktima na si Mark Lester Jhon Dela Cruz, salesman, na nadiskubreng walang buhay ng kanyang tiyahin na si Ailane Bacalso habang nakabigti gamit ang kumot na […]