• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, suportado ang DepEd nang palagan ang naging pahayag ni Governor Mamba laban sa mga guro

SUPORTADO ng Malakanyang ang pagpalag ng Department of Education (DepEd) sa naging pahayag ni Cagayan Governor Manuel Mamba na wala umanong ginagawa ang mga guro at sumusuweldo lang.

 

Giit ni Presidential spokesperson Harry Roque, hindi sila naniniwala sa nasabing pahayag ng gobernador na nagsabing dapat pa ngang kaltasan ang suweldo ng mga guro ngayong panahon ng pandemya.

 

Ayon kay Sec. Roque, dapat pa nga aniya ay pasalamatan ng gobernador ang mga guro gaya ng kanilang pagpapasalamat sa mga ito.

 

Tila ipinaalala ni Sec. Roque sa gobernador na nakasalalay sa mga guro ang tagumpay ng blended learning na ayon naman kay DEPED Secretary Leonor Briones ay abalang- abala na bago pa man sumapit ang pasukan nitong nagdaang Lunes.

 

“Oo, sang-ayon po kami kay Secretary Briones. Hindi po kami naniniwala na walang ginagawa ang mga guro at nagpapasalamat Malakanyang, suportado ang DepEd nang palagan ang naging pahayag ni Governor Mamba laban sa mga guro nga po kami ngayon sa mga guro dahil ang tagumpay po nitong blended learning ay nakasalalay din sa kanila ‘no,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

Nauna rito, sinabi ni Secretary Briones na bagama’t walang pasok sa mga nagdaang buwan ay busy naman ang mga teachers sa mga training, paggawa ng modules at paglikha ng Learning Continuity Program.

 

“Hindi naman totoo na walang ginagawa ang mga teachers. Totoo na walang school for several months pero nag-undergo sila ng training. Iyong mga master teachers gumagawa ng mga modules at iyong kanilang mga superintendents nagri-report at nagmi-meet kasi winu-workout namin ang Learning Continuity Program,” anito.

 

“Hindi sila physically nagtuturo pero marami din silang pinapagawa namin para paghanda nitong October 5 opening natin. Mag-i-issue kami ng statement diyan,” dagdag na pahayag nito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Experience The Best Of British Theater A Second Time Around (part 2)

    IN Jack Thorne’s The Motive and Cue, audiences are offered a glimpse into the politics of a rehearsal room and the relationship between art and celebrity. Coming to Ayala Malls Cinemas in Greenbelt, Makati on August 27, Richard Burton, newly married to Elizabeth Taylor, will play the title role in an experimental new Broadway production […]

  • Pinoy top challenger Magsayo at WBC champ Russel Jr nagkaharap sa final presscon bago ang big fight

    NAGKAHARAP kanina sa final press conference sina WBC featherweight world champion Gary Russell Jr at ang wala pang talo at top Pinoy challenger na si Mark “Magnifico” Magsayo bago ang big fight sa Linggo.     Ginanap ang harapan ng dalawa sa Borgata Hotel Casino & Spa sa Atlantic City sa New Jersey.     […]

  • Russian tankers na naglalaman ng crude oil at petroleum products, mabilis umanong naglalaho mula sa mapa

    MULA NANG  lusubin ng Russian forces ang Ukraine, naapektuhan ang global energy market dahil sa isa ang Russia sa largest oil producer.     Lumitaw din ang de facto embargo sa Russian oil dahilan kung saan ilang mga oil companies, trading houses , shippers at banks ang umatras na.     Subalit mayroong ilang sinyales […]