Malakanyang, todo-depensa
- Published on June 3, 2020
- by @peoplesbalita
Todo-depensa ang Malakanyang sa naging panawagan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga mambabatas na amiyendahan ang anti-terrorism law ng bansa. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque na walang ‘draconian provisions’ ang nakapaloob sa Human Security Act of 2007.
“Wala naman pong draconian na provision diyan. Lahat po ng provision diyan binase rin natin sa batas ng iba’t ibang bansa na mas epektibo po ang kanilang pagtrato sa sa mga terorista,” ayon kay Sec. Roque.Ang batas ay naka-pattern ani Sec. Roque sa anti-terrorism laws ng United Kingdom, United States, at Australia. “Wag po natin kalimutan hindi po tayo istranghero sa terorismo,” aniya pa rin.
Nauna rito, sinertipikahan bilang urgent measure ni Pangulong Duterte ang panukalang pag-amyenda sa Anti-Terrorism Law, upang mapabilis ang pag-usad nito sa Kongreso.
Ang panukalang ito ay layong palakasin pa ang laban ng Pilipinas kontra terorismo.
Sa ilalim ng bersyon ng panukala na inadopt ng Kongreso, dinagdagan ang bilang ng araw na maaaring i-detain ang hinihinalang terorista kahit walang arrest warrant. Mula sa tatlong araw, iniakyat ito sa 14 na araw at maaaring ma-extend ng 10 pa.
Ilan rin sa mga nilalaman ng panukala na kinukwesyon ay ang pag-aalis ng probisyon ng Human Security Act of 2007.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na walang basehan ang pangamba ng mga tumututol dito.
Matatandaan kasi na kinuwestyon ito ng ilang mambabatas, habang inulan rin ito ng batikos sa social media, dahil sa umano’y posibleng paglabag sa karapatang pantao.
Ayon sa kalihim, mayroong mga nakapaloob na kaparusahan sa panukalang ito upang matiyak na hindi ito maabuso.
Ayon naman kay DILG Secretary Eduaro Año, walang dapat ikatakot ang publiko sa batas dahil pinag-aralan itong mabuti at matagal na panahon itong tinalakay.
Ani DILG Secretary Eduardo Año, “So ito po naman ay para sa kaligtasan ng lahat, at pinag-isipang mabuti at sinisigurado po natin na walang abusong mangyayari. Kaya sana po ay suportahan na rin natin itong anti-terrorism bill po natin.” (Daris Jose)
-
Walang ‘house-to-house’ search sa COVID-19 patients – Palasyo
Walang magaganap na house-to-house para i-test ang mga mamamayan at matukoy kung sino ang positibo sa COVID-19. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang gagawin lamang ng gobyerno ay ililipat sa mga quarantine facilities ng gobyerno ang mga sumasailalim sa home quarantine na puwede pa ring makasa-lamuha ng mga miyembro ng kanilang pamilya. […]
-
Ads November 19, 2020
-
Ads February 5, 2025