Malakanyang, todo-depensa sa pagkakapili kay Gierran bilang bagong PHILHEALTH Chief
- Published on September 2, 2020
- by @peoplesbalita
IGINIIT ng Malakanyang na hindi kailangan na isang health expert ang dapat na maitalaga sa PHILHEALTH upang maayos na mapagana ang ahensiya.
Ito ang naging tugon ni Presidential spokesperson Atty Harry Roque sa reaksiyon ng Unyon sa PHILHEALTH na sanay ang naitalaga sa kanila ay isang eksperto sa health insurance.
Binigyang halimbawa pa nito na hindi naman kailangan na maging embalsamador ang isang manager ng memorial park.
Pagbibigay diin ni Sec. Roque, ang mahalaga ngayon ay malinis ang korupsiyon sa PHILHEALTH at naniniwala silang pasok sa kuwalipikasyon si dating NBI Director Dante Gierran upang pamunuan ang ahensiya.
Giit nito si Gierran ay abugado bukod pa sa CPA kayat may alam aniya ito kapwa sa financial at legal aspect.
Bukod dito ayon kay Sec. Roque ay hindi kailanman nakaladkad sa anomang kontrobersiya ang pangalan ni Gierran at subok na aniya ang integridad nito.
Sa ulat, nagpahayag ng pagkadismaya ang grupo ng mga empleyado sa PhilHealth sa pagkakatalaga kay Gierran bilang bagong pangulo ng PhilHealth.
Ayon sa lider ng Employees Union ng PhilHealth na si Fe Francisco, hindi pinakinggan ni Pangulong Duterte ang kanilang panawagan na magtalaga ng financial expert na marunong sa PhilHealth.
Dapat din aniya ay may 7 years experienced sa field ng public health at dapat ay rekumendado ng Board ng PhilHealth base na rin sa nakasaad sa Universal Health Care Law. (Daris Jose)
-
Ho nagpaalala sa bakuna
TINAGUBILINAN ni dating Philippine Super Liga (PSL) star Gretchen Ho ang publiko hinggil sa mainit ngayong isyu sa bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (Covid-19) at ang patuloy pa ring pagsirit ng pandemya sa bansa. Aniya kamakalawa, bago paghinalaan ang iniksiyon para sa pandemic at kumuda ang mga nagmamagaling, dapat alamin kung saan ito […]
-
AHENSIYA NG BI, NAKAKOLEKTA NG P5.9 BILYON SA KABILA NG PANDEMYA
SA kabila ng naranasang pandemya, ipinagmalaki ng Bureau of Immigration (BI) na nakakolekta pa rin ang ahensiya ng P5.9 bilyon noong 2020. Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ang kabuuang kinita nila noong nakaraang taon mula sa mga immigration fees at P5,88 bilyon , 36.1 % na mas mababa kumpara sa P9.3 […]
-
Ads May 11, 2024