• March 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panukalang ipagpaliban ang SSS contribution hike

Lusot na sa House Committee on Government Enterprises and Privatization ang panukalang naglalayong ipagpaliban ang nakatakdang pagtaas sa SSS Contribution ngayong 2021.

 

Ginawang working bill ng naturang komite ang House Bill No. 8317 na inihain ni Speaker Lord Allan Velasco para sa gagawing substitute bill matapos isama rito ang iba pang mga kahalintulad na panukala.

 

Inaamiyendahan ng panukala ni Velasco ang Section 4 A.9 ng Social Security Act of 2018.

 

Nakasaad sa batas na ito ang tataas ngayong 2021 sa 13 percent mula sa kasalukuyang 12 percent ang hatiaanng employer at empleyado sa SSS contribution.

 

Ginagawaran din ng panukalang ito nang kapangyarihan si Panguong Rodrigo Duterte na suspendihin ang nakatakdang SSS contribution hike.

 

Ito ay kasunod nang gagawing konsultasyon sa kalihim ng Department of Finance, na siyang ex-officio member ng Social Security Commission.

 

Ang deferment na ito sa SSS contribution ay maari lamang ikonsidera sa panahon nang national emergency, katulad na lamang ng COVID-19 pandemic.

Other News
  • Imbestigasyon sa UST tinatapos pa

    INAAYOS na lang ng University of Santo Tomas ang imbestigasyon sa ‘bubble training’ ng Growling Tigers men’s basketball team sa Sorsogon at inaasahang nakatakdang mapasakamay ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) simula nitong Huwebes.   Nagdaos ng online meeting sa nitong Miyerkoles ang Inter-Agency Task Force (IATF) panel nina Philippine Sports Commission-Philippine Sports […]

  • Provincial bus, aarangkada na ulit sa Metro Manila

    MULING aarangkada ang biyahe ng mga provincial bus papasok at palabas ng Metro Manila.     Ito ay makaraang magpalabas ng direktiba ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hinggil sa pagpayag nitong makabiyahe ulit ang mga provincial buses para sa mga inter-regional na biyahe.     Nakasaad sa  Memorandum Circular No. 2022 – […]

  • Metro Manila Subway Project 40% complete

    MAY NAITALANG  40 porsiento overall implementation progress rate ang kauna-unahang underground mass transport na Metro Manila Subway Project ngayon January 2024.       Ito ang pinahayag ng Department of Transportation (DOTr) ng magkaron ng onsite na inspeksyon sa Metro Manila Subway Project (MMSP) kasama si Finance secretary Ralph Recto at Japan International Cooperation Agency […]