• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, umaasa na aalis na rin ang mga natitirang Chinese vessels

UMAASA ang Malakanyang na aalis na rin ang natitirang Chinese vessels na nakadaong sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea (WPS).

 

“We are still hoping that they will leave the area. Kaya hindi po totoo na hindi pinansin ng China ang Presidente (Rodrigo Roa Duterte),” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Binanggit ni Sec. Roque ang mainit na relasyon ng Pilipinas at China ang dahilan para umalis ang ilan sa Chinese vessels mula Julian Felipe Reef, na nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

 

Aniya, ang bilang ng Chinese ships sa nasabing lugar ay lumiit na mula sa mahigit  200 noong Marso.

 

“220 po ang ships in early March, at dahil sa pag-uusap ni Chinese Ambassador [to the Philippines] Huang Xilian at ni President Duterte at sa ating warm relations with China, bumaba po ang numero. 136 po ang umalis. ‘Yung second batch ay another 65,” ayon kay Sec.Roque.

 

Batay sa huling bilang ng mga awtoridad, may 14 Chinese vessels  ang malapit sa Julian Felipe Reef.

 

Sinabi ng Beijing, na ang kanilang sasakyang pandagat ay sumilong lamang sa nasabing lugar dahil sa sama ng panahon subalit duda naman ang mga opisyal ng pamahalaan dito.

 

Nag-react naman si Sec. Roque sa obserbasyon na walang dating sa China ang mga pahayag ni Pangulong Duterte.

 

At sa tanong naman kung kinakatigan ng Malakanyang ang sentimyento ni DFA Sec. Teddy Locisn Jr. ay sinabi ni Sec. Roque na “Locsin is free to speak his mind.”

 

“Hindi po natin pinanghihimasukan ang karapatan ng malayang pananalita ni Secretary Locsin,” anito. (Daris Jose)

Other News
  • Tate, Vera ONE FC Ambassadors

    NAGBIGAY pugay at inspirasyon sa tropa ng Amerikano sina dating UFC women’s bantamweight champion at current ONE Championship Vice President Miesha Tate at ONE Heavyweight World Champion Brandon “The Truth” Vera sa Andersen Air Force Base sa Guam.   Isinagawa ang pagbisita sa pakikipag-ugnayan sa United Service Organizations (USO) bilang pagbibigay kahalagahan sa nagawa ng […]

  • Sa gitna ng babala ng China: PBBM, pinanindigan ang mga bagong EDCA sites

    PINANINDIGAN at kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na papayagan ang Estados Unidos na mag-station ng tropa nito at mga kagamitan sa apat pang bagong sites sa iba’t ibang panig ng bansa.     Ito’y sa gitna ng naging babala ng China na ang payagan ang mas marami pang sites sa ilalim ng PH-US Enhanced […]

  • Olympian silver medalist Carlo Paalam kailangang sumailalim sa operasyon – coach

    Kailangan na umanong makauwi ni 2020 Tokyo Olympics boxing silver medalist Carlo Paalam pabalik sa kanyang pamilya sa Cagayan de Oro City.     Ito ay upang sumailalim sa operasyon dahil sa iniinda nitong karamdaman sa kanyang kaliwang kamay at balikat na nakuha niya noong hinarap niya ang boksingerong Hapon sa semi-final round sa Japan […]