Malakanyang, umapela sa EU na imbestigahan ang nangyaring pagpatay sa 9 na aktibista
- Published on March 13, 2021
- by @peoplesbalita
UMAPELA ang Malakanyang sa European Union (EU) delegation sa bansa na bigyan ng tsansa ang pamahalaan na imbestigahan ang nangyaring pagpatay sa 9 na aktibista sa Calabarzon region noong Linggo.
Sa ulat, sinabi ng EU na gumamit ng “excessive force” ang kapulisan at sundalo laban sa mga 9 na aktibista at ang di umano’y iregularidad sa law enforcement operations ay nagdulot ng malaking alalahanin.
“I ask the EU to please give the Philippines a chance to discharge its obligation to investigate, punish and prosecute those who may have breached our domestic laws,” ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
“We are undertaking and discharging the state obligation to investigate prosecute and punish,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, nagulat naman ang United Nations human rights office (OHCHR), sa pagkasawi ng siyam na aktibista sa Calabarzon matapos ang operasyon doon ng pulisya at militar.
Sa isang press briefing sa Geneva, Switzerland kamakailan ay sinabi rin ni OHCHR spokesperson Ravina Shamdasani na nakatanggap siya ng impormasyon na bandang 3:15 ng umaga, Linggo, 8 lalaki at 1 babae ang pinaslang sa Batangas, Cavite, Laguna at Rizal habang sinisilbi ng otoridad ang search warrants na inisyu ng dalawang korte sa Maynila.
Nababahala aniya sila na ang insidente ay nagpapahiwatig ng papatinding karahasan sa mga tagapagtanggol ng karapatang-pantao.
“We are appalled by the apparently arbitrary killing of nine activists in simultaneous police-military operations in Batangas, Cavite, Laguna and Rizal provinces surrounding Metro Manila in the Philippines in the early hours of Sunday morning,” ani Shamdasani, sa ulat ng UN News.
“We are deeply worried that these latest killings indicate an escalation in violence, intimidation, harassment and ‘red-tagging’ of human rights defenders,” dagdag niya, habang binabanggit na may mga insidente na kung saan ang mga human rights advocate ay nire-red-tag.
Pinunto rin ng OHCHR na nagresulta rin sa pagkamatay ang pagsisilbi ng search warrant sa gabi, kabilang ang 9 Tumandok na sinilbihan ng search warrant sa Panay. (Daris Jose)
-
Sotto nabalewala career-high
NAWALANG halaga career-high 21 points ni Kai Zachary Sotto sa pagtaob ng Adelaide 36ers laban sa Brisbane Bullets, 93-85, sa pagpapatuloy Lunes (Abril 11) ng gabi ng 44th Australia’s National Basketball League 2022 regular round sa Adelaide Entertainment Center. Dumausdos ang Pinoy reinforcement at kampo sa 7-17 win-loss slate upang mapirmi pa rin […]
-
Pagluwag ng quarantine protocols sa NCR Plus, huwag madaliin – expert
Hinay-hinay muna at hindi dapat madaliin ang pagluluwag sa quarantine classification sa Metro Manila at karatig lalawigan. Ito ang sinabi ni Dr. Maricar Limpin, pangulo ng Philippine College of Physicians lalo pa nga’t nararanasan pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa NCR at karatig lalawigan na Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal. “Wag […]
-
EJ Obiena nag-2nd place sa pole vault tourney sa Poland
Pumuwesto sa second place sa pole vault ang Pinoy Olympian na si EJ Obiena sa ginanap na Kamila Skolimowska Memorial 2021 sa bansang Poland. Ito ay makaraang malagpasan at matalon ni Obiena ang taas na 5.80 meters. Sumabak si Obiena sa naturang kompetisyon ilang araw bago naman ganapin ang Wanda Diamond […]