• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, umapela sa publiko na sundin na lang ang naging pasya ng Metro Manila Mayors ukol sa pagbabawal ng outdoor exercises

UMAPELA ang Malakanyang sa publiko na sundin ang anumang napagdesisyunan ng Metro Manila Council (MMC) na may kinalaman sa “no outdoor exercise” sa mga lugar na naka- Enhanced Community Quarantine (ECQ) gaya ng National Capital Region (NCR).

 

Ang katwiran ni Presidential Spokesperson Harry Roque,  ang mga alklade Rin naman ang nagpapatupad ng IATF resolutions.

 

Ang mga ito rin naman ang pinagkatiwalaan ng Pangulo na iimplementa ang napagkasunduan sa IATF kaya’t kung anuman ang pinagtibay sa Task Force ay iyon ang ipatutupad.

 

Kaya kung sa tingin ng MMC ay dapat lang na magkaroon muna ng pagbabawal ng outdoor exercise, mas maigi ngang manatili muna sa pamamahay at sumunod sa patakaran.

 

Tutal naman aniiya ay 10 araw lamang naman ang hihintayin at mula doon ay maaari na ring bumalik sa pag-eehersisyo na aniya’y may elemento ng mental impact sa bawat isang indibidwal.

 

Nauna rito, nakiusap si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Benhur Abalos sa publiko na pagbigyan ang 10 days “no outdoor exercise” sa Metro Manila.

 

Sa virtual press briefing ni Sec. Roque, sinabi ni Abalos na layon nito na ingatan ang mga bata habang patuloy na tumataas ang kaso ng Delta variant.

 

Bukod pa sa maiiwasan din ang pang-aabuso mula sa mga taong wala namang ginagawa sa labas ng bahay kundi ang mag-chismisan lang.

 

Tiniyak naman ni Abalos na matapos ang 10 araw at na-review na ng Metro Manila Mayors ang bagay na ito ay posibleng ibalik na ang outdoor exercise.

 

Napag-usapan naman aniya ng mga Mayor na matapos ang 10 days at gumanda na ang sitwasyon ay tatanggalin na aniya itong exercise na ito.

 

“Puwede na. It’s just that 10 days at isa pang rason dito na talagang tingin ko tumama sa puso ng bawat isa . Bawat mayor po ay mga magulang eh. Hindi namin alam ang epekto nito sa mga bata.. sa ngayon. Maraming nababasa, maraming naririnig na pati ang mga bata maski nga ang bakuna na ay ibinibigay na sa mga bata. Ano po ang punto ng mga Mayor? Ang punto po nila ay pag-iingat ng bawat isang pamilya, bawat isang komunidad. So, sana po maunawaan ninyo ang mga rason bakit itong polisiya na ito ay ginawa nila,” litaniya ni Abalos. (Daris Jose)

Other News
  • 4K COVID-19 cases kada araw sa NCR ibinabala ng DOH

    Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko na maaaring umakyat sa 4,000 kada araw ang average na kaso ng COVID-19 matapos ang Kapaskuhan.   “Cases in NCR may reach upward of 4,000 per day which may overwhelm our health system capacity to upwards of 80 percent utilization by end of January if we do […]

  • Ads April 17, 2024

  • Malakanyang, inanunsyo ang mga bagong appointees, promosyon sa ilalim ng administrasyong Marcos

    PATULOY na pinupunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga bakanteng posisyon sa gobyerno.     Sa katunayan, inanunsyo ng Malakanyang ang bagong appointees sa pamahalaan at promosyon sa military.     Sa Facebook post ng Presidential Communications Office (PCO), inanunsyo nito ang sumusunod na appointees at promosyon sa Department of Agriculture (DA) at Department […]