• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakas ang laban na magka-award: EUWENN, mahusay at nakaka-antig ang pagganap sa ‘Firefly’

NGAYONG Kapaskuhan, sariwain ang mahika ng pagkukuwento at ang kapangyarihan ng pagmamahal ng isang ina sa GMA Pictures at GMA Public Affairs’ coming-of-age/ road trip drama na “Firefly.”
Pinagbibidahan ito ng mahusay na GMA Sparkle child star na si Euwenn Mikaell at ang award-winning na aktres na si Alessandra de Rossi, ang “Firefly” ang opisyal na entry ng GMA Network sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.
Kasama rin ng ensemble cast sina Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix, Cherry Pie Picache, Epy Quizon, Yayo Aguila, at Kokoy de Santos, kasama ang espesyal na partisipasyon nina Max Collins at Dingdong Dantes, na napakahusay din ng pagganap.
Nagsimula ang kuwento nang kapanayamin ang nasa hustong gulang na si Tonton (Dingdong) ng isang nagdudang mamamahayag na ginagampanan ni Max, matapos manalo ng National Book Award.
Inalam sa naturang panayam ang pinagmulan ng kanyang mga kuwento.
Si Elay (Alessandra) ay isang ina na mahilig magbahagi ng mga kwento bago matulog sa kanyang anak upang hikayatin itong maging matapang at sulitin ang buhay.
Si Tonton (Euwenn) ay isang 10 taong gulang na matanong at matalinong batang lalaki na madalas na binu-bully at kinukutya nang mas malalaking bata sa paaralan.
Upang hikayatin si Tonton, ikinuwento ni Elay sa kanya ang isang kuwento ng katapangan na makikita sa isang mahiwagang isla na puno ng mga alitaptap.
Sinabi niya sa kanya na ang isla ay totoo at na maaari kang gumawa ng isang kahilingan kung sakaling makarating ka doon.
Sa isang lumang sketchbook, gumuhit si Elay ng mapa sa isla. At sa kanyang puso, si Tonton ay bumubuo ng isang plano upang makarating doon at isang bagay na naisin: ang maging matapang.
Sa kanyang paglalakbay, nakatagpo siya ng tatlong estranghero na tutulong sa kanya o hadlangan ang kanyang pakikipagsapalaran.
Ang “Firefly” ay idinirek ni Zig Dulay, na sikat sa kanyang mga gawa tulad ng hit TV series na “Maria Clara at Ibarra” at ang mga internationally-acclaimed movies na “Paglipay” at “Black Rainbow.”
Ang sumulat ng screenplay mula sa kanyang orihinal na kuwento ay si GMA Public Affairs Senior AVP Angeli Atienza, na siya ring showrunner ng ilan sa mga most-awarded na programa ng GMA Public Affairs.
Itinatampok pa ng award-winning na cinematographer na si Neil Daza ang cinematic masterpiece ng pelikula.  Na-capture talaga niya ang magagandang tanawin na kinunan sa pelikula, bagay na nakakaengganyong panoorin.
Tiyak na maraming makaka-relate sa kuwento ni Tonton, dahil lahat naman tayo ay dumaan sa pagkabata at nanininiwala sa ating mga pinapangarap.
Tiyak ding manunumbalik sa atin ang karanasan noong bata pa tayo at minsang pinasaya ng mga alitaptap, may kanya kanya tayong kuwento na maibabahagi.
Sigurado kaming malakas ang laban nito sa Best Film sa ganda ng pagkakagawa, pati si Euween bilang Best Child Actor at kahit nga si Dingdong at puwede rin na ma-nominate bilang supporting actor.
Mapapanood na ang “Firefly” sa mga sinehan simula sa Araw ng Pasko, Disyembre 25, isama ang buong pamilya at wish namin na dumami pa ang mga sinehan para mas marami ang maka-experience sa nakaka-antig na pelikula.
(ROHN ROMULO)
Other News
  • PBBM, hinikayat ang mga magulang na pabakunahan ang mga anak

    NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga magulang o guardians na pabakunahan ang mga maliliit o sanggol pa nilang anak.   Layon nito na maprotektahan ang kanilang mga anak laban sa vaccine-preventable diseases gaya ng pertussis, polio, at tigdas.   Sa isang vlog, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng pagbibigay ng ‘affordable at […]

  • Big milestone sa Beautéderm na bahagi na ang aktres: RHEA, bilib kay BEA at naniniwalang best ambassador sa bagong produkto

    ISANG malaking milestone para Beautéderm Corporation na bahagi na si Bea Alonzo nang patuloy na lumalaking pamilya dahil opisyal na ito brand ambassador ng Beautéderm REIKO Slimaxine at REIKO Fitox.     Ang REIKO Slimaxine at REIKO Fitox ng Beautéderm ay Japan-made, 100% safe, epektibo, FDA-compliant, at mga all-natural na supplements.     Ang REIKO […]

  • ‘I accept the apology of ABS-CBN’ – Duterte

    Tinatanggap umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghingi ng paumanhin ni ABS-CBN President/CEO Carlo Katigbak kung may pagkakamali ang kanilang network at nasaktan ang pangulo.   Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa ambush interview sa Malacañang matapos ang Oath-Taking ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) Officials at Presentation ng 12th Ani […]