• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malaki ang pasasalamat nila kay Direk Njel… MAYTON at JEAN, bibida na rin sa ‘Hongkong Kailangan Mo Ako’

WALANG tigil ang NDMstudios sa paggawa ng mga “de calibre” na international films! 

 

 

At sa kauna-unahang pagkakataon, bibida na rin sa wakas sina Mayton Eugenio at Jean Kiley sa isang full-length buddy-girl comedy film na, Hongkong Kailangan Mo Ako sa direksyon ni Direk Njel de Mesa ng NDMstudios.

 

 

Matagal nang gumaganap sa iba’t ibang supporting roles si Mayton (e.g. Miracle in Cell No. 7, Indak, 100 Tula Para Kay Stella etc.) at Jean Kiley (e.g. Jowable, Dulo, Ikaw pa rin ang Pipiliin ko, etc.)—pero dahil sa pagtitiwala ni Direk Njel de Mesa, ngayon pa lamang sila nagkaroon ng proyekto kung saan sila naman ang bida.

 

Sa Hongkong Kailangan Mo Ako, gaganap si Mayton at Jean bilang mag-bestfriends na nagbakasyon sa Hongkong pero walang puknat ang mga kamalasan na sasapit sa kanila.

 

 

Sobrang nakatatawa at makaka-relate ang mga biyahero nating mga kababayan sa mga “travel horror stories” na daranasin ng kanilang mga characters na sina Mallory at Blair. Ipapakita rin dito na kahit anong kamalasan sa biyahe, maiibsan ang inis at lumbay basta’t may kasama kang kaibigan at maganda ang mga tanawin.

 

 

Ang shooting ng buong pelikula ay ginanap at kinuhanan sa Hongkong mismo, tampok ang iba’t ibang mga magagandang tourist attractions ng bansa, kung kaya’t nagpapasalamat ang NDMstudios sa Hongkong Tourism Board sa kanilang suporta.

 

 

Tampok din ang iba’t ibang artista at talento na OFW na nagtatrabaho sa Hongkong para ipakita ang kondisyon at pamumuhay ng mga kababayan natin abroad.

 

“Masaya kami sa karanasan namin sa shooting dahil madaling katrabaho si Direk Njel, hinahayaan niyang laruin namin ang mga roles na sinulat niya para sa amin,” sabi ni Mayton Eugenio nang ibinahagi ang proseso ng shooting sa Hongkong.

 

 

“Masayang-masaya ako at napagsama ko ang dalawa kong kaibigan sa industriya sa isang pelikula—na talaga nga naman napaka-husay sa kanilang pagganap,” sabi ng multi-awarded director.

 

 

“Grateful ako sa mga hosting at acting opportunities ko sa VIVA, hindi ko rin naman magagawa ang project na ito kung hindi dahil sa kanilang suporta,” sabi ni Jean Kiley na kilalang batikang host sa mga malalaking events ng VIVA.

 

Gaya nang naunang pelikula ni Direk Njel na “Must Give Us Pause” na pinagbidahan naman nina Cheska Ortega at Shaneley Santos, isasali muna nila ang pelikula sa mga film festivals abroad (i.e. Japan, Hongkong, Singapore, Canada, Dubai, etc.). Matapos nito ay maipalalabas na ito sa mga sinehan dito sa ating bansa para sa mga excited nating mga kababayan.

 

 

Mapapanood na ang kanilang official international trailer sa official facebook at youtube channels ng NDMstudios Japan at Philippines.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Gilas Pilipinas guest team sa 46th PBA 201 PH Cup

    PUWEDENG maging guest team na maaringng manalo ng championship ang Gilas Pilipinas sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup umpisa sa darating na Abril 9.     Ito ang siniwalat ni Commissioner Willie Marcial makalipas ang special PBA Board of Governors meeting nitong Lunes.     Ayon sa kanya, magiging magiging bahagi ng […]

  • 5 nalambat sa P241K droga sa Malabon

    Limang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang dalawang babae ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon City.     Sa ulat, alas-3:30 ng hapon nang masagawa ng buy bust operation NPD District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni PLTCOL Macario Loteyro at PMAJ Jerry Garces sa […]

  • Nadal nagkampeon sa Italian Open laban kay Djokovic

    Nakuha ni Rafael Nadal ang kampeonato ng Italian Open 2021 matapos talunin si Novak Djokovic.     Ito na ang pang-10 Italian Open title sa torneo na ginanap sa Rome.     Nangibabaw ang Spanish tennis star sa score na 7-5, 1-6, 6-3 para tuluyang ilampaso ang Serbian tennis great.     Agad na bumangon […]