• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malaki rin ang pasasalamat sa kanyang stepdad: YSABEL, grateful at nami-miss ang pagiging close nila noon ni Sen. LAPID

NAGPAPASALAMAT ang ‘Voltes V: Legacy’ star na si Ysabel Ortega sa kanyang stepfather na si Gregorio Pimentel dahil sa pagturing sa kanya bilang tunay na anak.

 

 

 

“I know na it’s not easy to treat someone else’s daughter as your own. So I’m just very grateful kasi I found a father in daddy Greg. I know it’s not easy to accept that.

 

 

 

“But he treats me as his own daughter, and I’m very happy because I’m happy to say na now, I have a family. I have a whole family,” sey ni Ysabel na ang tunay na ama ay ang veteran action star na si Senator Lito Lapid.

 

 

 

Maayos naman daw ang relasyon ni Ysabel sa kanyang biological father. Nami-miss daw niya ang pagiging close nila noon ni Senator Lapid.

 

 

 

“Growing up I was very close to my dad, I always talk about it, I’m always grateful for it. Of course there was a time, for people who knew about it, there was a rough patch po.

 

 

 

“Pero, it always happens with family. We get to talk with each other, we see each other from time to time. What matters is now, and I am grateful for what we have.”

 

 

 

Ang maganda pa raw ay suportado si Ysabel ng kanyang ama sa pag-pursue nito na magkaroon ng law degree.

 

(RUEL L. MENDOZA)

Other News
  • Pamamahagi ng nabiling higit kalahating milyong antigen test kits, sisimulan na

    SISIMULAN na ng National Task Force on COVID-19 ang pagpapakalat ng anti- gen test sa iba’t ibang mga LGU at ospital.   Ito ang sinabi ni Deputy Chief Implementer at testing czar Secretary Vince Dizon sa harap ng mas pinaiigting pang testing efforts ng pamahalaan bilang pagtugon sa kontra COVID 19.   Importante ayon kay […]

  • CBCP, pinasalamatan ang mga guro

    Pinasalamatan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga guro na malaki ang ginampanan sa paglinang ng kaalaman ng mga kabataan. Sa pahayag ni CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles sa Radio Veritas, kinilala nito ang bawat sakripisyo ng mga guro upang hubugin ang kabataan para sa mas maayos at maunlad na pamayanan.   […]

  • “Walang Gutom 2027” ng DSWD, 1M mahihirap na pamilya ang makikinabang-DSWD

    TINATAYANG 1 milyong benepisaryo ang inaasahan na makikinabang mula sa  “Walang Gutom 2027” program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).     Layon ng inisyatibang ito ang paghusayin ang access ng  food-poor families sa masustansyang pagkain.     Sinabi ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian na ang bagong food stamp program ng departamento […]