Malaking bahagi ng Pilipinas, makararanas ng mas matinding tag-tuyot hanggang Mayo 2024
- Published on December 14, 2023
- by @peoplesbalita
TINATAYANG 77% ng mga lugar sa pilipinas ang tatamaan ng mas matinding tagtuyot hanggang sa katapusan ng Mayo ng susunod na taon.
Sinabi nii Science and Technology Secretary Renato Solidum sa press briefing sa Malakanyang, ito ang lumabas sa weather patterns na kanilang inobserbahan para paghandaan ang mga epekto ng El Nino phenomenon.
Ang paliwanag ni Solidum 65 probinsya ang nanganganib na dumanas ng drought o tagtuyot habang anim na probinsya ang magkaka-dry spell
Ibig sabihin, hanggang 80 porsiento ang posibleng mabawas sa pag-ulan sa bansa hanggang ikalawang quarter ng 2024. Napansin na rin aniya na mas kakaunti ang bagyo na dumaan ngayon sa pilipinas kumpara noong mga nakalipas na taon.
Samantala, bilang tugon, nakahanda na umano ang national action plan na sasaklaw sa mga paghahanda ng ibat ibang sangay ng gobyerno para maiwasan ang krisis sa tubig, kuryente, kalusugan at seguridad na posibleng idulot ng el nino.
Kasabay nito, nanawagan si Sec. Solidum sa publiko na ngayon pa lang ay magtipid na sa tubig at kuryente upang maibsan ang matinding tagtuyot sa susunod na taon. (Daris Jose)
-
Nagpapasalamat sa sumusuporta at nagdarasal… LIZA, nadismaya sa ‘di pagdating ng kabilang panig sa mediation sessions
SUNUD-SUNOD ang naging post ni Liza Diño kahapon tungkol sa haharapin niyang mediation sessions para sa cyber libel cases na kanyang sinampa. Unang post niya, “Attending three mediation sessions today for the cyber libel cases I filed. Kailangan ko ng lakas. Pls pray for me and for the truth to prevail. Thank […]
-
Street Smart nagpa-wow sa Philracom Rating Based
Pasiklab ng tikas si Street Smart para manalo sa Philippine Racing Commission Rating Based Handicapping System Linggo ng hapon sa Metro Manila Turf Club Inc. sa Malvar/Tanauan, Batangas. Kinabayo ni jockey Rico Suson, tumiyempo siya ng 1:26.8 sa 1,400 meter race upang ibulsa ng winning horse owner ang premyong P150K. Sumegundo si Moves […]
-
Metro Manila nasa ‘low risk’ na sa COVID-19
Naibaba na sa ‘low risk classification’ ang National Capital Region (NCR) base sa mga datos at trend ng COVID-19 sa rehiyon, ayon sa Department of Health (DOH). Sinabi ni Dr. Alethea De Guzman, OIC-Director ng DOH Epidemiology Bureau, na nailagay sa low risk ang NCR dahil sa pagbaba ng 23 porsyento sa mga […]