• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malaking challenge pero maayos namang naitawid: PIOLO, muntik nang ‘di tanggapin ang ‘Mallari’ dahil sa tatlong characters

AMINADO Piolo Pascual na bida ng ‘Mallari’, ang kauna-unahang Filipino film na idi-distribute ng Warner Bros. Pictures, na malaking challenge talaga sa kanya ang gumanap ng tatlong characters na sina Severino, John Rey at Jonathan sa tatlong magkakaibang panahon.

 

 

Isa nga ito sa natanong sa ultimate heartthrob sa ginanap na biggest mediacon at fancon last December 1 sa SM Mall of Asia.

 

 

“Hindi ko naman in-expect na mag-play ng tatlong characters. For the record, I turned this down. Sabi ko, ‘kaya ko ba ‘to? Pagod na pagod na ako sa ginagawa ko,” natatawang kuwento ni Papa P.

 

 

“But when I found out about the reality that ‘Mallari’ was, sabi ko, ‘baka naman po.’ As an actor, I guess it’s your job to always push yourself, to always so something different. And I guest for my growth as well, for my evolution I wanna be able to give myself a challenge. So I can become better.

 

 

“Hindi naman po puwedeng mag-rest sa laurels mo, hindi naman puwedeng mag-settle ka na lang palagi. And I have this big opportunity to be able to choose the roles that I can play.”

 

 

Dagdag pa ng aktor, “And this time around, with the streaming platform, mas broad na po kasi ang mga roles na puwede mong tanggapin. So, mas madali nang mag-diversify nowadays and I guess for me, I’m really passionate about my job, what will I do.

 

 

“And open po ako sa kahit na ano role na puwedeng magbigay sa akin ng challenge para mag-grow pa rin ako sa craft ko.

 

 

Kuwento naman ng screen writer na si Joaquin Enrico Santos, first choice nila ni Piolo para role at ang “Mallari” na hatid ng Mentorque Productions.

 

 

“The truth is the first name that came up on the whiteboard noong nag-brainstorming tayo, noong first day, unang pangalan nasa whiteboard ay si Piolo. Dumating iba’t ibang pangalan and then balik din kay Piolo. To convince Piolo all we had to do was a pitch.

 

 

“The four years were research, the project itself took less than a year.”

 

 

Rebelasyon pa ni Enrico, nagsimula lang daw sa biru-biruan ang tatlong characters ni Piolo sa movie, hanggang sa nabuo ang script at lumabas na maganda ang kuwento

 

 

“Mayabang kami ni Direk Derik (Cabrido). Nagyayabangan kami brainstorming. Pag may sinabi siya isa, dadagdagan niya. Pag may sinabi ako dadagdagan ko. So, ginawa namin isa, sabi ko direk ayoko isa gawin natin dalawa para may present day. Hindi gawin mo tatlo sabi niya, nagsimula siya as a pusta,” pahayag ni Santos.

 

 

“Impossible kasi 1812 tas 2023, Yung mga Gen Z, hindi makakarelate. Wala alo mahugot papunta 2023. Siyempre MMFF 2023, mga bata, so kailangan mo maitawid ng konti. 1812, 1946, bago mag 2023. Para madala mga tao, ah naimbento na ang camera, TV, cellphone, kasi gamit yun sa pelikula.

 

 

“So we had to create some supernatural manner para makita ng audience ang 1812,” he added.

 

 

Dagdag pa niya, iso-showcase sa “Mallari” ang pinagmulan ng mga katatakutan sa mga Pinoy.

 

 

“Tinatry namin gawin social commentary on what is fear sa mga tao, noong 1812, ang fear ng tao demonyo, maligno, kasalanan, haciendero masungit o pumapatay. Ano fear ng 1946-1948, CIA, nag-imbento ng aswang sa probinsya. 2023, ano nakakatakot? Kapwa tao na di ba, hindi na multo.

 

 

“It is a really good exploration of fear through the centuries and I hope makita niyo when you watch the movie. Hindi takutan pero latag ng kultura natin. Bakit lagi tinatakot ang Pilipino ng Kastila, Amerikano, at ngayon tayo,” pahayag pa ni Enrico.

 

 

Nag-shoot naman si Direk Derick sa iba’t-ibang historic locations sa bansa. Kasama ang isang ginawang village para i-recreate ang authentic setting, na for sure ginastusan nang husto ang production design nito.

 

 

At dahil sa tatlong characters ni Piolo “Mallari” na kitang-kita sa trailer ang tindi ng pagganap, strong contender talaga sa pagka-Best Actor sa 2023 Metro Manila Film Festival at posibleng maghakot pa ng ibang awards.

 

 

Samantala, um-attend sa kick off event si John Bryan Diamante, ang president ng Mentorque Productions, at kasama ni Piolo ang iba pang cast na sina Janella Salvador, JC Santos, Ron Angeles, at Gloria Diaz. Kasama rin siyempre si Direk Derick at Enrico.

 

 

Ang maganda pang balita, as of December 1, ayon sa isang survey nangunguna na ang “Mallari” na Top 4 Films na unang nilang panonoorin sa December 25.

 

 

Pangalawa ang “Firefly”, pangatlo ang “Becky & Badette” at ang “Family of Two” naman ang pang-apat.

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • 14 years na overstaying na Indian national, inaresto ng BI

    INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang overstaying na Indian national na gumagawa ng illegal na trabaho sa Kidapawan City.   Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang Indian national na si Kevin D’Souza na inaresto matapos na walang naipakitang pasaporte habang iniimbestigahan ng Philippine National Police (PNP).   “During interview, he told the […]

  • Ads July 3, 2024

  • Kailangang pondo para sa pagbabakuna sa 12 to 17 age bracket, huhugutin sa reserves ng gobyerno- DoF

    SINIGURO ni Finance Secretary Carlos Dominguez kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may sapat na budget ang gobyerno sakaling umarangkada na ang pagbabakuna sa mga teenager.   Pagtiyak ni Dominguez kay Pangulong Duterte, huhugutin sa reserves ang budget para sa pagbabakuna sa 12 to 17 age group.   Aniya, sapat na ang reserve ng gobyerno […]