Malaking Chinese firm, nag-commit ng mas maraming investments sa Pinas kasunod ng pagbisita ni PBBM sa China
- Published on February 2, 2023
- by @peoplesbalita
NAG-commit ang isang Chinese construction firm ng mas maraming investment sa PIlipinas partikular na sa pamamagitan ng public-private partnership (PPP).
Kasunod ito ng ginawang pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa China nito lamang unang bahagi ng buwang kasalukuyan.
Sa naging courtesy call sa Pangulo, araw ng Lunes, ipinanukala ng China Communications Construction Co. Ltd (CCCC) ang pagtatayo ng 270-km Laoag City-Rosario City Highway Project at pagpapakilala sa Juncao technology ng China sa PIlipinas.
Ipinanukala ng CCCC ang pagtatayo ng Juncao Technology Demonstration Center at isang Juncao Industrial Park para sa Juncao grass cultivation at processing.
Ang Juncao ay isang hybrid ng Giant Napier Grass na dinivelop ng Fujian Agriculture and Forest University mula sa 8 iba’t ibang grasses o damo sa pamamagitan ng tissue culture.
Ang panukalang Juncao technology project, sa oras na maaprubahan ay popondohan sa pamamagitan ng Chinese foreign aid.
Maliban sa nasabing panukala, nagbigay ang mga opisyal ng CCCC kay Pangulong Marcos ng update kaugnay sa nagpapatuloy na infrastructure projects sa Pilipinas, kabilang na ang Samal Island-Davao City Connector (SIDC) Project at North & South Harbor Bridge.
Sinabi ng Pangulo na ang central part ng economic policy ng gobyerno ay ang “establishment, endorsement, and promotion” ng PPPs, kung saan maaaring magpartisipa ang CCCC.
Pinalitan naman ng gobyerno ang “regulations and rules” para sa pagtatatag ng PPPs upang mas maging kaakit-akit sa mga private corporations na pumunta ng Pilipinas at makipagtulungan sa gobyerno, ayon sa Pangulo sabay sabing hindi lilimitahan ng administrasyon ang partnerships nito sa PPPs.
“It can be of any nature – commercial venture or joint venture with a local partner. Of course, the PPP, where you have partnership with government, even G2G — government-to-government arrangements — are also something that we have been doing for a long time and again that we wish to further,” ayon sa Chief Executive.
“The Philippines has also relaxed the rules to allow foreign contractors to bring in their own professionals with the aim of encouraging technology transfer,” dagdag na wika nito.
Umaasa naman ang Pangulo na tutulungan ng CCCC ang Pilipinas na maisakatuparan ang mga proyekto para tiyakin ang environmental sustainability sa gitna ng banta ng climate change.
Ang CCCC ay isang Chinese state-owned enterprise na pangunahing nauugnay sa transportation infrastructure projects gaya ng lansangan, tulay at mga riles.
Sa kasalukuyan, mayroon itong mahigit na “60 wholly owned subsidiaries” at may operasyon sa mahigit na 150 bansa at rehiyon.
Maliban sa government projects, ang CCCC ay nuugnay din o sangkot sa nagpapatuloy na private-led reclamation projects sa Kalakhang Maynila gaya ng Pasay Harbor City Reclamation Project at Manila Waterfront City Development Project. (Daris Jose)
-
Maraming social media posts pero tungkol sa mga endorsements: HEART, kinalimutan na ang birthday message sa ‘estranged husband’ na si Sen. CHIZ
LAST Monday, October 10, nag-celebrate ng kanyang 53rd birthday si Senator Chiz Escudero. Nabigo ang mga fans nila ni Heart Evangelista, na magparamdam man lamang kahit sa social media ang actress. Maraming posts si Heart sa kanyang social media pero tungkol lamang iyon sa kanyang mga endorsements. May nag-try na fan kay Heart na […]
-
Thankful sa ginawa ni Alden at ‘di bibiguin: JERIC, ‘di na naitago ang nabuong relasyon nila ni RABIYA
THANKFUL and overwhelmed si Kapuso actor-singer Jeric Gonzales, nang malaman niyang si Asia’s Multimedia Star Alden Richards ang nag-suggest sa production ng gagawin nila ni Bea Alonzo na romantic-comedy series na Philippine adaptation ng Korean drama na Start-Up. Ayon kay Alden, parang nagpi-pay-forward lamang siya kay Dingdong Dantes, na isa sa nagbigay ng […]
-
MPD NAG-INSPEKSIYON SA SEMENTERYO SA LUNGSOD
NAGSAGAWA ng inspeksyon na ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa mga sementeryo sa lungsod bilang paghahanda sa papalapit na Undas. Ayon kay MPD Director Brig.General Andre Dizon, ilalatag ang paghahanda sa seguridad pero kailangan pa ring may paghihigpit dahil nasa gitna pa ng pandemya. Una nang sinabi ni Dizon […]