Malaking pondo ang gagastusin sa PVL bubble
- Published on March 20, 2021
- by @peoplesbalita
Milyones ang pondong kakailanganin upang matagumpay na maitaguyod ang 2021 Premier Volleyball League (PVL) Open Conference na idaraos sa isang bubble format sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.
Base sa estimate, aabot ng P47 milyon ang magagastos para tustusan ang mga pangangailangan ng buong delegasyon sa bubble.
Nangunguna na sa listahan ang accommodation, pagkain, sweldo sa mga opisyales ng tournament, mga gagastusin sa swab testing at iba pang kailangan.
Malaking budget ang gugugulin sa pananatili ng delegasyon sa Inspire Sports Academy na tinatayang may P30 milyong pondong kailangan.
Tinatayang dalawang buwang mananatili sa bubble ang buong delegasyon base sa tantiya ng PVL organizers. Kasama naman sa package ang accommodation at pagkain.
Aabot naman sa P10 milyon ang ilalaan para sa swab testing dahil regular na magkakaroon ng test upang masiguro na ligtas ang lahat ng nasa loob ng bubble.
May P5 milyon naman para sa sweldo ng mga opisyales habang magkakaroon ng video challenge sa edisyong ito na gagastusan naman ng P2 milyon.
Ang kabuuang pondo ay para sa tinatayang 320 kataong papasok sa bubble na binubuo ng players, coaches, officials, medical team at television crew.
Subalit masuwerte ang pamunuan ng PVL dahil tutulong ang Cignal sa gastusin. Sa katunayan, sinabi ni PVL president Ricky Palou na malaking bahagi ng gastusin ay sasagutin ng Cignal — ang bagong broadcast partner ng liga.
May 12 teams ang kumpirmado nang lalahok sa Open Conference na puntiryang simulan sa Mayo 8.
Nangunguna na ang regular members na Creamline, Petro Gazz, Perlas, Army, Choco Mucho, BaliPure at baguhang UAC kasama ang bagong lipat na PLDT, Cignal, Chery Tiggo, Sta. Lucia at F2 Logistics.
-
Emosyonal sa academic achievement ng anak: AIKO, sulit ang paghihirap sa trabaho para sa pag-aaral ni MARTHENA
IBINAHAGI ni Aiko Melendez sa kanayng social media accounts ang achievement ng anak nila ni Martin Jickain na si Marthena Jickain. Isinaad ni Aiko sa isang Instagram post ang pagbati niya sa academic achievement ni Mimi. Ani Aiko, “Congratulations on graduating!.. You are an achiever. … You make me so proud […]
-
NEA: P30.5M inisyal na pinsala ng bagyo sa electric coops
INIULAT ng National Electrification Administration ngayong Martes na umabot na sa P30.5 milyon ang inisyal na pinsala ng bagyong Rolly sa electric cooperatives sa mga apektadong lugar. Ginawa ng NEA ang pahayag batay sa report ng kanilang Di- saster Risk Reduction Management Department. Ayon sa ahensya, hanggang nitong Martes ng umaga, hindi pa […]
-
Para sa kanilang 11th commitment anniversary: ICE, tinapatan at ‘di nagpakabog sa mga mensahe ni LIZA
NAKAAALIW basahin ang 11th commitment anniversary messages nina OPM Icon Ice Seguerra at Liza Diño, na pinost nila sa Facebook at Instagram na kung saan nagpahayag sila ng kanilang pagmamahal. Sa post ni Ice, sinimulan niya ito ng, “It’s been 11 years since I committed to… Kasunod ang mga […]