• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malaking tagas ng tubig sa Manila, nadiskubre – Maynilad

KINUMPIRMA ng West Zone concessionaire na Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) na may nadiskubre silang major pipe leak sa Osmeña Highway, kanto ng Zobel Roxas sa Maynila, kasunod na rin ng isinagawang leak detection activities sa lugar kamakailan.

 

 

Sa pagtaya ng Maynilad, magkakaroon sila ng water loss recovery na nasa 20 hanggang 30 MLD (million liters per day) sa sandaling matapos na nila ang pagkukumpuni sa naturang tagas.

 

 

Ayon sa Maynilad, nadiskubre nila ang natu­rang major leak sa isa sa kanilang routine pipe network inspections, gamit ang iba’t ibang acoustic leak detection equipment.

 

 

“We were able to pinpoint the location of the leak from above-ground. Based on our initial assessment, the leak appears to be coming from a 2,200mm-diameter primary line, which is located 7 meters underground,” pahayag ni Maynilad Water Supply Operations head, Engr. Ronaldo Padua.

 

 

Kakailanganin aniya nilang maghukay sa lugar upang makita ang tubong pinagmumulan ng tagas upang tuluyang makapagsagawa ng assessment hinggil sa laki ng pinsala nito.

 

 

Inaasahan naman ng Maynilad na aabutin ng ilang araw ang naturang aktibidad dahil na rin sa laki ng tubo at lalim ng lokasyon nito, gayundin sa kakailanganing panahon ng pagkukumpuni.

 

 

Agad namang hu­mingi ng paumanhin ang Maynilad sa mga kustomer nilang inaasahang maaapektuhan ng natu­rang pagkukumpuni.

 

 

“Given the size of the pipe and the depth of its location — and depending on the repairs that will be required–the activity may take se­veral days to implement, and this will affect water service for customers who receive their supply through this primary line,” anang Maynilad.

 

 

Tiniyak din na kaagad nilang iaanunsiyo sa mga susunod na araw ang iskedyul ng service interruptions at ang mga ispesipikong lugar na maaapektuhan nito, bago tulu­yang ­ipatupad ang pipe repair, upang makapaghanda ang kanilang mga kustomer.

 

 

Kumpiyansa rin ang Maynilad na sa sanda­ling makumpuni ang tagas, makatutulong ang inaasahang water loss recovery upang mapalakas pa ang water pressure sa mga kalapit nitong lugar at epektibong makapagbibigay sila ng mas maraming suplay ng tubig para sa kanilang mga kostumer.

Other News
  • Wala pang dahilan para magdeklara ng state of economic emergency-DTI

    NANINIWALA si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na wala pang dahilan para magdeklara ng state of economic emergency dahil naghahanda ang pamahalaan ng mga hakbang para mapagaan ang epekto ng tumataas na presyo ng langis.     “At the moment, we don’t think na kailangan na ‘yun. Right now, we’ve outlined […]

  • PULIS UTAS, 1 PA SUGATAN SA BARIL NG KANILANG KABARO

    ISANG 33-anyos na pulis ang namatay habang sugatan naman ang isa pa matapos aksidenteng pumutok ang baril ng kanilang kabaro na nagsasagawa ng dry-firing sa Malabon City, kahapon ng umaga.   Kinilala ni P/Capt. Patrick Alvarado ng District Mobile Force Battalion ng Northern Police District (NPD-DMFB) ang nasawi na si P/SSgt. Christian Pacanor, 33, nakalataga sa […]

  • Bryan Bagunas KAMPEON sa Taiwan Top League

    Nagpakitang-gilas ang Filipino import na si Bryan Bagunas para pangunahan ang Win Streak sa titulo sa 2023 Top League sa Taiwan noong Lunes sa National Taiwan University Sports Center.   Bumagsak si Bagunas ng halimaw na performance, nagtapos na may 42 puntos na binuo sa napakaraming 39 na pag-atake kasabay ng dalawang block at isang […]