• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malamig na panahon, patuloy na mararamdaman sa Metro Manila – PAGASA

Magpapatuloy ang malamig na panahon sa Metro Manila partikular sa madaling araw dahil sa hanging amihan.

 

 

Ito ang pahayag ng Pag­Asa makaraang makaranas ng malamig na panahon na 9.4°C sa Baguio at 19.9°C temperatura sa Metro Manila nitong nagdaang araw ng Linggo, January 31.

 

 

Ayon kay Chris Perez, senior weather specialist ng PagAsa, ang lamig na dala ng hanging amihan ay aabot pa hanggang sa 2nd o sa 3rd week ng Pebrero sa Metro Manila lalo na sa Baguio .

 

 

Ang panahon ng amihan ay pumasok sa ating bansa simula noong Nov. 2020 .

 

 

Sa tala ng PagAsa, ang pinakamalamig na temperatura sa Baguio City  ay 6.3°C noong January 18, 1961 o may  60 taon ng nakalilipas.

 

 

Bukod sa malamig na panahon, ang amihan ay nagdadala rin ng pag-ulan. Inulan naman sa pagpasok ng Pebrero ang  Eastern Visayas, Caraga, at Davao  Region dahil sa amihan. (Daris Jose)

Other News
  • NAVOTAS hospital magdadagdag ng libreng dialysis sessions

    MAS pinalakas pa ng Navotas City Hospital (NCH) ang kapasidad nitong magbigay ng libreng dialysis treatment, kasunod ng basbas ng walong bagong hemodialysis machine.     Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco, kasama si Vice Mayor Tito Sanchez at ang mga konsehal ng lungsod ang pagbabasbas ng mga dialysis unit sa NCH.     Mula […]

  • Titans are smashing through the big screen as “Godzilla x Kong,” filmed for IMAX, arrives on March 30

    THE fearsome Godzilla and the mighty Kong are back in action as Godzilla x Kong: The New Empire sees the legendary Titans work together to defeat a mysterious new threat that challenges the existence of Hollow Earth and humanity. Filmed for IMAX, see the larger-than-life creatures lead the fight for this world on the big […]

  • Saclag asam makapasok sa gold medal round

    PIPILITIN  ni Pinoy bet Jean Claude Saclag na makausad sa gold medal round ng men’s kickboxing sa pagharap kay Vu Truong Giang ng host Vietnam sa 31st Southeast Asian Games ngayon sa Bac Ninh province gymnasium.     Nakatiyak na ng bronze medal ang 2019 Manila SEA Games champion matapos umabante sa semifinals ng men’s […]