• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Oras ng operasyon ng malls, binago – MMDA

TULUYAN nang binago ang oras ng operasyon sa mga shopping malls sa Metro Manila nang itakda ito mula alas-11 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

 

 

Ito ang napagkasunduan  ng MMDA at mga mall owners at operators na mag-uum­pisa sa Nobyembre 14, 2022 at magtatapos hanggang Enero 6, 2023.

 

 

“Starting November 14, malls in NCR will operate from 11am to 11pm instead of their usual operating hours. We have to implement remedial measures to reduce traffic congestion,”ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Romando Artes.

 

 

Sinabi ni Artes na sinadya nilang hilingin sa mga mall owners at operators ang adjustment sa operating hours ng mga malls dahil sa inaasahang mas mabigat na trapiko ngayong Christmas season lalo na at nagluwag na sa protocols sa COVID-19 ang gobyerno.

 

 

Samantala, isasagawa na lamang ang mga mall sales ng weekends habang ang mga delivery ng mga produkto ay itatakda ng alas-11 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw na lamang para hindi maka­dagdag sa bigat ng trapiko.

 

 

“Exempted from the regulation are deliveries of perishable goods, restaurants ser­ving breakfast, and groceries,” saad ni Artes.

 

 

Pinagsusumite rin ng MMDA ang mga mall ­operators ng kani-kanilang “traffic management plans” at kung kailan sila magsasagawa ng mall sales at promotional events dalawang linggo bago ang iskedyul nito para mapaghandaan din ang pagtulong ng ahensya sa trapiko. (Daris Jose)

Other News
  • Malaking challenge pero maayos namang naitawid: PIOLO, muntik nang ‘di tanggapin ang ‘Mallari’ dahil sa tatlong characters

    AMINADO Piolo Pascual na bida ng ‘Mallari’, ang kauna-unahang Filipino film na idi-distribute ng Warner Bros. Pictures, na malaking challenge talaga sa kanya ang gumanap ng tatlong characters na sina Severino, John Rey at Jonathan sa tatlong magkakaibang panahon.     Isa nga ito sa natanong sa ultimate heartthrob sa ginanap na biggest mediacon at […]

  • No. 3 most wanted person ng Navotas, timbog sa Bataan

    Isang puganti na nagtago nang halos sampung taon dahil sa pagpatay sa kanyang kapitbahay sa Navotas city ang tuluyan nang naaresto ng pulisya sa isang liblib na lugar sa probinsya ng Bataan.     Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas ang naarestong suspek na si Roberto Jiongco, Jr. alyas “Jeje”, 32, welder at […]

  • DEREK, dapat payuhan na ‘wag nang mag-react sa bashers at mag-move on na kay ANDREA; mag-focus na lang kay ELLEN

    SANA ay may magpayo na rin kay Derek Ramsay na hangga’t maaari, baka gusto niyang ‘wag ng magreak nang mag-reak sa mga bashers.     At move-on na rin talaga sa kasasagot o kaka-mention about Andrea Torres.     Mukhang sa halip na makuha niya ang simpatiya ng netizens sa pagsagot niya sa minsan o […]