Malapitan, nagunguna sa SWS survey sa Caloocan
- Published on November 8, 2024
- by @peoplesbalita
NANGUNGUNA si incumbent Caloocan Mayor Along Malapitan sa listahan ng mga mamamayan ng Caloocan City bilang kanilang alkalde.
Sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) pagkatapos ng paghahain ng kandidatura ng mga nais tumakbo sa lokal na halalan nitong Oktubre, 81% ng mga botante ng Caloocan ang nais pa ring magpatuloy si Malapitan bilang punong lungsod habang ang katunggali nito na si dating Senador Antonio Trillanes naman ay nakakuha lamang ng 15%.
Kamakailan ay pinarangalan ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ang administrasyon ni Malapitan matapos tanghalin ang Caloocan bilang isa sa mga “Most Business Friendly Cities” sa Metro Manila habang ginawaran naman ng Anti-Red Tape Authority (ARTA), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Trade and Industry (DTI), at Department of Information and Communications Technology (DICT) ng Seal of eBoss Compliance ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan para sa pagpapatupad nito ng fully-automated na Business-One-Stop-Shop.
Itinanghal din ang Lungsod ng Caloocan bilang pang-walo sa mga pinakamahusay na Highly-Urbanized Cities (HUCs) sa buong bansa pagdating sa pagpapalago ng local source revenues.
Idineklara rin ng PCCI ang kanilang commitment of support sa pamumuno ni Malapitan dahil sa kanyang mahusay na mga polisiya at programa upang itaguyod ang mga lokal na negosyo sa lungsod.
“We recognize the commendable efforts of Mayor Along to support the business community in the city, driven by his exemplary leadership and valuism. The Caloocan chapter of the PCCI pledges its full support in the city’s effort to be recognized as the most business-friendly LGU,” ani Mr. Oliver Uy, Pangulo ng PCCI-Caloocan. (Richard Mesa)
-
Chris Evans Reunites with ‘Knives Out’ star Ana de Armas in a BTS image from ‘Ghosted’
CHRIS Evans reunites with Knives Out star Ana de Armas in a behind-the-scenes image from their new movie Ghosted as it wraps filming. Plot details are being kept under wraps for the film but it is being described as a romantic action comedy in the same vein as Michael Douglas and Kathleen Turner‘s Romancing the Stone. Evans and de Armas are leading […]
-
Beermen magpapalit ng import
BAGAMA’T impresibo ang inilaro ni import Orlando Johnson sa nakaraang 110-102 panalo ng San Miguel sa nagdedepensang Barangay Ginebra ay papalitan pa rin siya ng Beermen sa umiinit na PBA Governors’ Cup. Ang five-year NBA veteran na si Shabazz Muhammad ang sasalo sa trabaho ni Johnson para palakasin ang tsansa ng San Miguel […]
-
Batas kulang para parusahan sumisingit sa bakunahan kontra COVID-19
Kung ang Malacañang ang tatanungin, hindi sapat ang mga kasalukuyang umiiral na batas para mapatawan ng parusa ang mga lumalaktaw sa priority list ng gobyerno pagdating sa mga pagpapaturok ng gamot laban sa coronavirus disease (COVID-19). Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos uminit ang ulo ni Pangulong Rodrigo Duterte at Department of […]