• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malasakit Centers: 6 taon nang nagseserbisyo sa Pilipino

NOONG Pebrero 12, 2018, isang makabuluhang marka sa pangangalaga sa kalusugan ang pinasimulan matapos pasinayaan ang unang Malasakit Center sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) sa Cebu City.

 

 

Pinangunahan ni Senator Christopher “Bong” Go na noon ay Special Assistant to the President, ang Malasakit ay isang one-stop shop na nagpabilis sa access sa healthcare services sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng DSWD, DOH, PhilHealth at PCSO sa iisang bubong.

 

 

Iniakda at inisponsoran ni Go ang Republic Act No. 11463 o ang Malasakit Cen­ters Act of 2019, na nag-institutionalize sa Malasakit Centers program.

 

 

Hanggang ngayon, tinitiyak ni Go, bilang chairperson ng Senate committee on health, na ang mga serbisyo sa Malasakit Centers ay patuloy na naibibigay alinsunod sa batas.

 

 

Anim na taon simula nang maitatag, mayroon nang 150 operartional Malasakit Centers sa buong bansa at humigit-kumulang 10 milyong Pilipino ang natulungan na nito.

 

 

Si Yazumi, isang batang pasyente mula sa Caloocan City na sumailalim sa liver transplant, ay nagpapatunay na mahalaga ang pagtutulungan ng gobyerno at mga institusyon sa pagpapagaan ng pasanin ng mga Pilipinong nasa kagipitan.

 

 

Sa edad na 4 buwan, na-diagnose si Yazumi na may biliary atresia at matapos ang kanyang liver transplant procedure noong 2017, nagpatuloy ang Malasakit Center sa pagbibigay ng tulong at suporta, kabilang ang mga gamot para tuluyang gumaling si Yazumi.

 

 

Ibinahagi rin ni Roselyn Vente, isang ina mula sa Tagbilaran City, ang hinarap na pagsubok para sa kanyang 2-anyos anak na babaeng si Margaret Vente na na-diagnose na may ventricular septal defect, isang malubhang kondisyon sa puso.

 

 

Ang suporta mula sa Malasakit Centers ang nagpagaan sa emosyonal at pinansyal na pasanin ng kalagayan ng kanyang anak.

 

 

Nakatanggap din ng ­katulad na tulong ang kambal na Divine at Mercy Cerillo mula Vinzons, Camarines Norte na isinilang na magkadikit ang dibdib.

 

 

Sa tulong ni Sen. Go at ng mga programang ibinigay ng Malasakit Center, dinala sila sa Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila noong 2019 para sa isang complex separation surgery.

 

 

Tumayo pa bilang ninong sa binyag ng kambal si Sen. Go.

 

 

Kinikilala bilang ama ng Malasakit Centers dahil sa walang sawang paglilingkod sa mahihirap, lubos na pinasalamatan ni Go ang lahat ng stakeholders sa pangako na gawing accessible ang pangangalagang pangkalusugan sa bawat Pilipino.

 

 

“Ang mga kwentong ito ng pag-asa, katatagan, at pagbangon ay sumasa­lamin sa kakayahan ng ating naisip nang ilunsad natin ang Malasakit Cen­ters,” ani Go. (Daris Jose)

Other News
  • Slaughter magbababalik na sa Barangay Ginebra San Miguel

    MAGBABALIK  na sa Barangay Ginebra San Miguel para sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup na magbubukas sa darating na Abril 9 ang kontrobersiyal na si Gregory William ‘Greg’ Slaughter.     Kinumpirma ni Earl Timothy Cone ang bagong kaganapan sa Gin Kings sa pamamagitan ng Twitter nitong Miyerkoles ng gabi.     […]

  • Ashleigh Barty unang Australian na nagkampeon sa Wimbledon after 41-yrs

    Nasungkit ni Ashleigh Barty ang kanyang unang Wimbledon title matapos na talunin niya sa women’s final si Karolina Pliskova, 6-3, 6-7 (4-7), 6-3.     Dahil dito ang world’s No. 1 na si Barty ang kauna-unahang Australian player sa singles na nagkampeon mula pa noong taong 1980 nang makuha rin ito ni Goolagong Crawley.   […]

  • Black nais ang PBA championship, ROY

    PINAPAKAY ng anak ni Philippine Basketball Association (PBA) 1989 Grand Slam coach Norman Black ng Meralco Bolts na si Aaron Black na makasungkit agad ng kampeonato sa pro league at ang Rookie of the Year Award.   “Of course every rookie that comes to the league wants to earn the Rookie of the Year as […]