MALAWAKANG PAGBABAKUNA PARA SA MGA MENOR DE EDAD, NAGPAPATULOY SA LUNGSOD NG MAYNILA
- Published on December 10, 2021
- by @peoplesbalita
NAGPAPATULOY ang pagbabakuna sa general population ng mga menor de edad, mula 12 hanggang 17 anyos,ngayong araw, Disyembre 8.
Mahigit 10-libong doses ng bakuna kontra Covid-19 naman ang nakahandang iturok ngayong araw sa mahigit 60 vaccination sites sa lungsod ng Maynila
Ayon kay Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso, sabay na isasagawa ang pagbabakuna ng unang dose at ikalawang dose sa mga sumusunod na vaccination sites: 6 LGU hospitals; 4 malls at 12 community sites
Gagawin ang second dose sa mga kabataan na na nabakunahan ng Pfizer vaccine noong Nov.17 sa district hospital at sa anim na special school sites.
Magkakaroon din ng booster shot para sa A1, A2, A3, A4, at A5 priority groups na mahigpit anim na buwan na ang nakalipas mula nang mabakunanan ng second dose sa mga sumusunod na lugar: 6 na LGU hospitals; 4 malls at 12 community sites.
Laging paalala ng Alkalde na ipakita ang QR code para sa verification at dalhin ang ID, updated vaccine ID na maaaring makuha sa www.manilacovid19vaccine.ph.
Para sa mga minor, magdala ng birth certificate/baptismal/school ID/PWD ID/ o anumang balidong ID at para sa mga may comorbidity, magdala ng medical certificate na may lagda ng doktor.
Paalala rin ang palagiang sumunod sa health protocols pagdating sa lugar ng bakunahan.
Samantala sa pinakahuling data ng Manila Health Department o MHD, may 2,919,399 na ang nabakunahan laban sa Covid -19 sa Lungsod ng Maynila.
Sa Covid -19 cases naman sa Maynila, umabot na sa 90,363 ang kumpirmadong tinamaan ng naturang sakit, 88,544 sa bilang na ito ay gumaling, 1,723 ang pumanaw at sa kasalukuyan ay mayroon na lamang 96 na aktibong kaso sa lungsod. GENE ADSUARA
-
Lakers umaasang babalik na sa game si Davis bagong matapos ang buwan ng Enero
UMAASA naman ang Los Angeles Lakers na makakabalik na rin sa team ang kanilang big man na si Anthony Davis bago matapos ang buwang ito dahil sa injury sa kanyang kaliwang paa. Sa susunod na linggo ay muling sasailalim sa evaluation ng mga doktor. Sa ngayon umaabot na sa 12 games […]
-
CANADA, umaasa ng suporta ng Pinas sa free trade negotiations nito sa ASEAN
NANAWAGAN ang Canada sa Pilipinas na suportahan ang free trade negotiations nito sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), tinukoy ang kahalagahan ng ASEAN Centrality. “Regarding trade, we are negotiating for a free trade agreement with ASEAN. So we hope that we could have the support of the Philippines. And we are negotiating […]
-
Philippine Sports Commission at National Collegiate Athletic Association , nakipagpulong sa opisyales ng Samahang Basketbol ng Pilipinas tungkol sa isyu ni John Amores
Nakipagpulong ang Philippine Sports Commission (PSC) sa mga kinatawan ng National Collegiate Athletic Association (NCAA), Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), para talakayin ang mga isyung bumabalot sa Jose Rizal University player na si John Amores. Sa isang pahayag, inilarawan ito ng Phil. Sports Commission bilang isang “coordination meeting” habang patuloy na tinitingnan ng fact-finding […]