Malaysia, nag-alok ng pagsasanay na may kinalaman sa Halal industry, Islamic banking
- Published on July 29, 2023
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagpahayag ng intensyon ang Malaysian authorities na sanayin ang kanilang Filipino counterparts sa pagpapatakbo ng Halal industry at Islamic banking.
“Building on our bilateral relations, our governments commit to closely coordinate efforts to build capacity in the Bangsamoro Autonomous Region in southern Philippines, in Muslim Mindanao, especially on sectors such as the Halal industry, Islamic banking and food security,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang joint statement matapos makipagpulong kay Prime Minister Anwar Ibrahim.
“Malaysia has warmly offered their expertise to train Philippine personnel and officials to strengthen our capabilities in these increasingly important sectors,” dagdag na wika ng Pangulo.
Para kay Anwar, dapat na ang dalawang bansa ay magpatupad ng mga hakbang na makapagbibigay katiyakan sa pagpasok ng Halal industry sa Middle Eastern market.
“We mentioned also the potential for Halal industry in both countries. We will certainly do our most in terms of the issue of certification but I think jointly we should undertake some effective measures to ensure that the Halal industry can penetrate more effectively into the Middle Eastern Market in particular,” ayon kay Anwar sa joint statement.
Binanggit din ni Anwar na napag-usapan nila sa pulong ang kalakalan at investments.
Nagpasalamat naman si Pangulong Marcos kina Anwar at sa Kanyang kamahalan King Al-Sultan Abdullah para sa tulong ng Malaysia pagdating sa pagpapahusay o pagpapabuti sa southern Philippines, lalo na sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
“It has been an important part on whatever success that we might enjoy today and that has been a foothold, a further foothold for us to use and continue to develop our relations between our two countries,” ang pahayag ni Pangulong Marcos.
Samantala, kasalukuyan ngayong nasa Kuala Lumpur si Pangulong Marcos para sa kanyang state visit na naglalayong palakasin ang ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa. (Daris Jose)
-
Ads March 4, 2022
-
Tradisyunal na pag- oobserba ng darating na Kuwaresma, malaki ang maitutulong para mapababa ang naitatalang kaso ng COVID – Malakanyang
HINILING ng Malakanyang sa mamamayang filipino na gawin ang tradisyunal na pag- obserba ng Mahal na Araw para sa taong ito. Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito kasi ang mga panahong wala talagang lumalabas kapag panahon ng Mahal na Araw lalo na kapag Biyernes Santo. Ayon kay Sec. Roque, malaking bagay ito […]
-
Ads June 28, 2024