• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Malditas in Maldives’, Best Picture sa Taipei Filmfest: DIREK NJEL, muling naghatid ng karangalan para sa Pilipinas

 

MULING naghatid ng karangalan para sa Pilipinas si Direk Njel de Mesa, dahil sa isa na namang parangal sa international scene ang nakamit niya, this time sa Taipei, Taiwan.

 

 

 

 

 

Ang kanyang full-length film na “Malditas in Maldives” (na pinagbibidahan nina Arci Muñoz, Kiray Celis, at Janelle Tee tungkol sa tatlong nag-aaway na toxic vloggers na na-stuck sa Maldives nang misteryosong nawala ang kanilang eroplano) ay nagwaging Best Picture at ayon sa mga kritiko sa Taipei, isa itong “unexpected cinematic gem with a very unique twist.”

 

 

Ang prestihiyosong parangal ay ipinagkaloob sa matagumpay na ‘WuWei Taipei International Film Festival’, Philippine Night Awarding Ceremony na ginanap sa Westar Theater, Taipei Cinema Park, Ximending, Taipei. Ang mga hurado ng Filcom Taiwan Network (FTN) na nag-organise ng event.

 

 

Nagpasalamat si Direk Njel sa lahat ng organisasyon at indibidwal tulad ni Senator Bong Go, Surge at 1-PacMan Partylist na sumuporta sa Philippine Delegation na naging bahagi ng Taipei film festival.

 

 

“We wouldn’t have done this without those people who believed in is, like Senator Bong Go,” pahayag ni Direk Njel sa kanyang acceptance speech.

 

 

Tinanggap ng direktor-writer-producer ang parangal kasama ang kanyang asawa na si Jan Christine at ang kanyang collaborator/co-producer na si Arci Muñoz.

 

 

“Some people did not get the dark humor of our film, its looping slow burn pace to make a point, and the intentions of our social commentary but you got it!,” dagdag pahayag pa ni Direk Noel.

 

 

Sa naturang event, binanggit ang pelikula bilang isang dark comedy na de-construction ng “Groundhog Day” habang nagbibigay ng satirical comment on clout chasing, social media, and social divide between classes.

 

 

 

Ang pelikula ay binansagan din bilang isang art film na nagkukubli bilang isang commercial comedy film.

 

 

Tila nagliliwanag na ang kinabukasan para sa NDMstudios at maraming Pilipino ang umaasa na sa wakas ay mapapanood na ang kanilang pelikula sa mga major streaming platform sa lalong madaling panahon.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

 

Other News
  • Japanese tennis star Osaka umangat ang WTA ranking

    Umangat ang WTA ranking ni Japanese tennis star Naomi Osaka matapos ang pag-kampeon nito sa Australian Open.     Mula sa dating pangatlong puwesto ay nasa pangalawang puwesto na ito isang araw matapos na makuha ang ikaapat na Grand Slam title.     Nahigitan ng 23-anyos na si Osaka si Simona Halep na nasa ikatlong […]

  • ‘NCR MAYORS, NAIS ANG ‘STABLE DECLINE’ SA COVID-19 CASES BAGO HUMIRIT NG MGCQ’

    NAIS umano munang makita ng mga alkalde sa Metro Manila na tuloy-tuloy na ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 bago irekomendang ibaba na ang rehiyon sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).   Sa ngayon kasi ay pinalawig ng Inter-Agency Task Force ang General Community Quarantine (GCQ) status ng Kalakhang Maynila hanggang sa katapusan ng […]

  • Ads April 14, 2022