• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maliksi pumirmi sa Meralco

MAGPAPATULOY para sa Meralco ang pagseserbisyo ni veteran swingman Allein Maliksi para sa darating 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup sa umpisa sa Abril 9.

 

 

Nabatid kamakalawa kay veteran players agent Danny Espiritu, na lumagda ng bagong kontrata ang four-time PBA champion at incoming 10-year pro veteran kasama ang nagbalik team workout na Bolts sa Meralco gym sa Ortigas, Pasig.

 

 

Pang-anim na ang 33-anyos, 6-4 ang taas at tubong Makati sa mga pinapirma ng team kasunod nina Reynel Frances Hugnatan, Siverino ‘Nono’y Baclao Jr., Reymar Jose, Raymon Jamer Jamito, at Michael Canete.

 

 

Isa sa may mahusay na nilaro sa 45th PBA Philippine Cup 2020 sa Angeles, Pampanga bubble si Maliksi kung saan makasaysayang pumalaot ang kuryente sa semifnals sa unang pagkakataon.  May average ang journeyman na 10.4 points at 4.1 rebounds. (REC)

Other News
  • Jesus; Matthew 11:28

    Come to me.

  • Maraming senador, sumama ang loob matapos hindi dagdagan ang pondo ng OVP para sa 2025 – Imee Marcos

    Sumama raw ang loob ng labing-isa o labindalawang senador matapos na isnabin ang kanilang apela sa caucus na dagdagan ang pondo ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2025, ayon kay Senadora Imee Marcos.       Tanging binanggit lamang ni Marcos na mga pangalan ay sina Senators Ronald “Bato” dela Rosa, Christopher […]

  • ‘Wall of Heroes:’ Dambana para sa mga yumaong medical frontliners, asahan – PH gov’t

    Nagpapatayo ng dambana ang pamahalaan bilang pagkilala sa mga healthcare workers na nagsilbing frontliners at namatay dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).     Kabilang ito sa naging talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa ika-123 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.   Ayon sa presidente, itinatayo sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City ang […]