• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinoy boxer Mike Plania, wagi matapos ang big upset vs Greer sa Las Vegas

Nagtala ng malaking upset win ang Pilipinong si Mike Plania sa bakbakan nila ng Amerikanong si Joshua Greer Jr. ngayong Miyerkules (Manila time) sa MGM Grand Conference Center sa Las Vegas.

Si Plania, na unang Pinoy boxer na nakatapak sa ring mula nang magsimula ang coronavirus pandemic, ay nagwagi sa pamamagitan ng majority decision, 94-94, 96-92, 97-91.

Maganda agad ang panimula ng 23-anyos na si Plania kung saan agad nitong pinadapa si Greer matapos ikonekta ang kaliwang hook sa unang round.

Muli namang napatumba ni Plania si Greer sa ikaanim na yugto ng bakbakan, gamit ulit ang makamandag nitong kaliwa.

Bagama’t ipinilit ni Greer na makahabol sa laban, mistulang huli na ang lahat upang iayon sa kanya ang sagupaan.

Bago ang laban, si Greer (22-2, 12 KO) ang heavy favorite at ang numero unong contender para sa isa pang Pinoy na si John Riel Casimero na hawak ang WBO bantamweight title.

Tubong General Santos City, nakamit na rin ngayon ni Plania (24-1, 12 KO) ang kanyang ikasiyam na sunod na panalo.

Other News
  • PNP sa publiko: Pagdiriwang ng Pasko, limitahan lang sa ‘family bubble’

    Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na limitahan lang sa tinatawag na family bubble ang pagdiriwang ng Pasko.     Ito’y sa gitna na rin ng pangamba na muling sumipa ang mga kaso ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) dahil sa mga pagtitipon habang papalapit na ang Pasko.     Ayon kay PNP Chief […]

  • MMDA: Modified number coding scheme suspendido pa rin

    Sinuspendi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng modified number coding scheme sa Metro Manila simula noong Lunes.   “The agency deferred its implementation amid the limited capacity of public transportation in Metro Manila, which remains under general community quarantine (GCQ) until June 15,”   Ayon kay Pialago, ang number coding scheme ay […]

  • ‘A4 priority list’ baka maturukan vs COVID-19 sa Mayo, Hunyo — NEDA

    Sa pagtataya ng National Economic and Development Authority (NEDA), posibleng abutin ng isa hanggang dalawang buwan pa ang dapat antayin ng mga nasa A4 priority list bago maturukan laban sa coronavirus disease (COVID-19).     Ang balitang ‘yan ang binanggit ni NEDA Undersecretary Rose Edillon, Lunes, habang tinatalakay ang mga sektor na masasama sa A4 […]