• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mall hours adjustment ipatutupad sa November 18 – December 25 – MMDA

SINABI ni MMDA Chairman Don Artes na iurong sa alas 11:00 ng umaga ang pagbubukas ng mall sa halip na normal operating hours, habang depende na rin sa pamunuan ng mga mall kung hanggang anong oras sila magsasara.

 

 

Ani Artes, mas mabuting ma-extend ang oras ng pagsasara upang mabigyan ng pagkakataon ang publiko na makapag-stay pa sa mga mall, makapag-grocery o last minute shopping habang nagpapalipas ng oras na lumuwag ang kalsada.

 

 

Suportado rin ng mall operators ang pakiusap ng MMDA na huwag magsagawa ng mallwide sale sa loob ng Nov. 18-Dis. 25, na inaasahang ilang araw pagkatapos ng All Saints Day at All Souls Day na lamang idaos, na nakagawian na sa mga nakalipas na taon. Hindi naman saklaw nito ang store sale o paisa-isang pagsasagawa ng sale sa loob ng malls.

 

 

Layunin sa isinagawang consultative meeting nitong Miyerkules (Okt. 16) sa MMDA Head Office, sa Pasig City, na maibsan ang inaasahang mas matin­ding pagsisikip ng trapiko sa panahon ng Kapaskuhan.

 

 

May moratorium o pagsuspinde sa lahat ng road right-of-way excavation activities sa Metro Manila simula hatinggabi ng Nobyembre 18 hanggang ha­tinggabi ng Disyembre 25 na kinabibilangan ng road reblocking works, pipe-laying, road upgrading at iba pang excavation works. Exempted sa moratorium ang flagship projects ng gobyerno, DPWH bridge repair and construction, flood interceptor catchment projects, emergency leak repair, at iba pa.

 

 

Mayroong 131 malls sa National Capital Region at 29 dito ay matatagpuan sa kahabaan ng EDSA.

 

 

Ang mga delivery sa mall ay papayagan lamang sa gabi mula alas-11:00 hanggang alas-5:00 ng umaga, maliban sa perishable na pagkain at yelo.

 

 

Dagdag pa, sinabi ni Artes na hihilingin ng MMDA sa Department of Transportation na pahabain ang oras ng operasyon ng public transport system, lalo na ang EDSA Bus Carousel, LRT at MRT, para ma-accommodate ang mga late-night commuters at mall employees.

Other News
  • Palasyo itinangging idinawit si Hidilyn Diaz sa ouster matrix noon, kahit totoo naman

    Imbes na humingi ng tawad, itinanggi pa ng Malacañang na naglabas sila ng “matrix” na nagdadawit sa isang atletang Pinay sa pagpapabagsak ng gobyerno ngayong nanalo ang nabanggit sa Olympics.     Mayo 2019 nang maglabas ng listahan si dating presidential spokesperson Salvador Panelo patungkol sa mga nais daw mag-destabilisa sa gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte — […]

  • Tauhan ng Sayaff, tiklo sa Kyusi

    ARESTADO ang isang sinasabing miyembro ng Abu Sayyaf Group sa isinagawang pagsalakay ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police District at Criminal Investigation and Detection Group sa lungsod, kahapon (Miyerkoles) ng umaga.   Kinilala ang suspek na si Adzman Tanjal, 32, may asawa, tubong Sabah, Malaysia at nakatira sa Libyan St., Salaam Compound, Barangay […]

  • Ads October 20, 2022