• September 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mamamayan, binalaan ng Obispo sa pagdami ng misinformation sa internet

PINAG-IINGAT ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mananampalataya sa patuloy na pagdami ng misinformation at disinformation sa internet.

 

 

Ayon sa Obispo, dapat maging mapagmatyag ang mamamayan upang maiwasang mabiktima ng scam lalo na sa online.

 

 

“In this age of misinformation and deceit, it’s crucial that we remain vigilant. Please take care to verify the authenticity of any messages or videos you encounter,” ayon sa pahayag ni Bishop Uy.

 

 

Batid ni Bishop Uy na may ilang indibidwal na ginagamit ng kanyang pagkakilanlan sa pamamagitan ng paglikha ng pekeng social media account tulad ng Facebook upang linlangin ang mga followers online.

 

 

Muling binalaan ng obispo ang mamamayan hinggil sa mga video at larawang kumakalat online na nilikha sa deep fake technology na isang artificial intelligence tool na ginagaya ng ang pagkilanlan ng isang indibidwal.

 

 

Kamakailan lang ay ginamit ang mukha at boses ni Bishop Uy sa isang product advertisement online kaya’t mariin ang paalala nitong maging mapanuri at mag-ingat sa mga napapanuod at nababasa online.

 

 

“I want to emphasize that while I am an evangelizer of Christ, I do not endorse any products,” giit ni Bishop Uy.

 

 

Una nang hiniling ng obispo sa mananampalataya na i-report ang mga pekeng social media account na nagtataglay ng mga ‘deep fake created video materials’ upang makaiwas sa scam ang mamamayan.

 

 

Ang ‘deepfake’ technology ay isang uri ng Artificial Intelligence na lumilikha ng convincing fake images, videos at audio recordings ng isang indibidwal.

 

 

Sa datos ng DataReportal nasa 86 na milyong Pilipino ang aktibo sa paggamit ng social media Lalo na ang Facebook habang naitala naman ng Statista research noong 2023 ang 14, 000 Pilipinong biktima ng online scam o mas mataas ng 100 porsyento kumpara sa pitong libong kaso noong 2022.

 

 

Patuloy na pinag-iingat ng Simbahan ang mananampalataya laban sa mga grupo at indibidwal na ginagamit ang pagkakilanlan ng mga cardinal, obispo, pari at mga institusyon ng simbahan para sa scam activities

Other News
  • Umano’y pagpasok ng India COVID-19 variant sa bansa, tunay na nakababahala – OCTA

    Magiging malaking problema umano ng Pilipinas kung totoo ang mga ulat na nakapasok na sa bansa ang Indian variant ng coronavirus disease.     Ayon kat OCTA Research fellow Dr. Guido David, malaki ang magiging epekto ng nasabing variant kung kakalt ito sa National Capital Region (NCR) at mga kalapit na lugar dahil hindi raw […]

  • Markus, may regret na nakipagmabutihan sa taga-showbiz: JANELLA, inaming single mom na at kayang buhayin at palakihin ang anak

    SA Youtube video na ipinost ng Rise Artists Studio featuring unfiltered stories about their relationships ng mga hosts ng “Boys After Dark” na sina Markus Patterson, Anthony Jennings, Jae Miranda, Gello Marquez at Aljon Mendoza, nagbitiw ng salita si Markus.   Si Markus ang ex na ngayon ng actress na si Janella Salvador at ama […]

  • FDA: EUA ng mga bakuna, maaari pang mabago kung may safety issue

    Binigyang-diin ng Food and Drug Administration (FDA) na maaari pang mabago ang mga kondisyon sa emergency use authorization (EUA) sakaling magpakita ng isyu sa kaligtasan ang isang vaccine product.     Pahayag ito ni FDA director-general Eric Domingo matapos mamatay ang 23 senior citizens sa Norway matapos maturukan ng bakunang gawa ng Pfizer-BioNTech.   Ayon […]