• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAMBA DINIS-KUWALIPIKA BILANG GOVERNADOR NG CAGAYAN

DINISKUWALIPIKA ng Commission on Elections (Comelec) second division si Manuel Mamba sa pagkapanalo  nito sa pagkagobernador noong 2022  sa Cagayan province dahil sa paglabag sa election election spending ban.

 

 

Ang resolusyon na nilagdaan ni Presiding Commissioner Marlon Casquejo , Commissioner Rey Bulay at Nelson Celis ay inihayag noong December 14,2022.

 

 

Ang petisyon ay inihain ni Zarah Rose Lara na tumakbo laban kay Mamba sa 2022 gubernatorial race.

 

 

Sa kanyang petisyon, sinabi ni Lara na si Mamba na nooy incumbent governor ng Cagayan province noong 2022 polls na sangkot sa massive vote buying activities sa panahon ng kampanya  sa pamamagitan ng cash assistance distribution gamit ang pondo ng provincial government  sa ilalim ng program na inilunsad bilang “No Barangay Left Behind “ (NBLB) , “No Town Left Behind” (NTLB) at “Oplan Tulong sa Barangay” sa kabila ng paglabas ng temporary restraining order na may petsa ng April 29,2022 ng Regional Trial Court Branch 5,sa Tuguegarao City,Cagayan.

 

 

Dagdag pa, nagpahayag ang petitioner n asi Mamba ay naglabas ng halagang P550 milyon mula sa pamahalaang panlalawigan  at ipinamahagi sa lahat ng registered voters sa ilalim ng programang “krusada Kontra Korapsyon (KKK)”.

 

 

Sa ilalim ng KKK program, sinabi ni Lara na bawat rehistradong botante ay nabigyan ng halagang P1,000.

 

 

“Ipinasiya ng COMELEC Second Division na bagamat nabigo ang ipinakitang ebidensya na si Mamba ay nagkasala at dapat madiskuwalipika dahil sa vote-buying,ang ebidensya ay matibay upang patunayan na siya ay lumabag sa Section 261(v) (2) ng [Omnibus Election Code] at Section 2 ng Comelec Resolution No.10747,” sabi ng Comelec sa isang pahayag.

 

 

Sinabi naman ni Comelec spokesperson Rex Laudiangco na si  Mamba ay maaring maghain ng Comelec En banc ng motion for reconsideration sa loob ng limang araw upang iapela ang kanyang disqualification. GENE ADSUARA

Other News
  • Kaabang-abang ang maningning na ‘Gabi ng Parangal’: IZA, makakasama ni PIOLO bilang mga host ng ‘6th The EDDYS’

    MAS magniningning pa ang inaabangang gabi ng ika-anim na edisyon ng The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ngayong Nobyembre 26, 2023 sa Aliw Theater, CCP Complex, Pasay City.     Bukod sa Ultimate Leading Man at award-winning actor-producer na si Piolo Pascual, isa pa sa magsisilbing host sa […]

  • SHARON at KIKO, muntik nang ‘di umabot sa 25 years pero nangibabaw ang pagmamahalan

    PINOST ni Megastar Sharon Cuneta ang video clip sa kanyang YouTube channel noong February 14 na kung saan game na game sila ni Sen. Kiko Pangilinan sa isang challenge nilagyan ng title na ‘Valentine’s Day Game with our children’     Caption ni Mega sa kanyang post, “So Kakie, Miel & Miguel came up with […]

  • 150 propagules ng mangrove itinanim ng PNP Maritime Group sa Navotas

    SABAY-SABAY na nagsagawa ng tree planting activity ang PNP Maritime Group noong April 12, 2024 bilang bahagi ng pagdiriwang nito ng ika-33rd Founding Anniversary na may temang “Sa Serbisyong May Pagkakaisa, Hatid ng Kapulisan Para sa Bayan, Kapayapaan ay Makakamtan, Sa Lupa Man o Karagatan”.     Ang sabay-sabay na pagtatanim ng mga puno ay […]